Chapter XXVII: Tournament (Pt. II)

Start from the beginning
                                    

Bigla akong napa-isip sa mga sinabi ni Ken. Lahat ng sinabi niya ay tama. Mahal ko nga ba siya? Pero hindi ba masyadong mabilis? Parang isang ipoipo na biglang dumating. Malaki ang epekto at danyos. Kailangan ko muna masiguro na mahal ko siya.

"Hoy Matt." Ani ni Ken kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tulala ka kasi bro." Puna niya. "Sino nga pala ang maswerteng babae?" 

"Kia," Sagot ko na ikinagulat niya sa pangatlong pagkakataon.

"Yung transferee na astig?" Aliw niyang tanong.

"Oo," Sagot ko. "Ken kailangan kong masiguro na mahal ko nga siya." 

"Huh? Bakit naman?" Takang tanong niya.

"Pakiramdam kong ikakasira at ikakabagsak ko pag nagpatuloy itong nararamdaman ko na hindi ko mawari kung totoo o hindi." Seryoso kong sambit.

"Bakit hindi ka mag dry run?" Mungkahi niya.

"Anong klaseng dry run?" Tanong ko.

"Befriend her and make sure na maging close kayo and if makuha mo na ang gusto mong sagot. Aminin mo sa kanya and leave her. I'll only give you 5 months." Ani niya.

Hmm five months? Not bad so matatapos ito bago mag desyembre. 

"Okay," Pagtanggap ko. "Ngayon ba ako magsisimula?" Tanong ko.

"Oo, good luck bro. I think mahihirapan ka dahil kakaiba siya sa lahat ng babae." Aniya at ngumisi. "Sige una na ako sa arena, sumunod ka agad."

"Sige," Ani ko at nanatili sa posisyon ko. 

Hindi nagkalaunan ay may nararamdaman akong papalapit kaya napatingin ako sa gawi niya at kung sinuswerte ka nga naman siya lang naman ang pinag-usapan namin. Umupo siya ilang dangkal ang layo mula sa puwesto ko.

Parang timang ang aking puso dahil nag-iiba naman ang ritmo ng pintig ng puso ko. Tila natetense ako dahil nasa malapit siya. 

'Ganito ba talaga kapag gusto mo ang isang tao?'

Naninibago ako sa aking sarili. Hindi ito ang Matt na kilala ng lahat. Hindi ito ang Matt na kinasanayan ko. Tila dahan-dahan nagigiba ang puso kong bato na kasing lamig ng yelo. Hindi ito maari pero may pag-asa pa ako. Baka infatuation lang ito, baka pagkatapos ng limang buwan na dry run mawawala din ito. 

"The world is so nice, but we don't know what does the world hides." Ani niya sa malamig na tinig. Hindi ko mawari kung ako ba ang kinakausap niya.

'Ulol malamang ikaw ang kinakausap niya dahil kayo lang naman dalawa ang nandyan.'

"The world is like the people around us, we don't know what they hide from us." Dagdag niya sa kanyang sinabi kanina. "Don't you think?" Bigla niyang tanong sa'kin na ikinalingon ko sa kanya.

"U-uh yeah," Nauutal kong sagot. Fvck! Ang presidente ng SC ay nauutal sa harap ng kanyang gustong babae. Kapag may nakaalam nito panigurado numero ito sa lahat ng balita na kakalat.

"Wow! The great Matthew Stephan Ferrer is stuttering right now. I might get rich because of this." Mangha niyang sambit pero sa malamig na tinig. Napatingin ako sa kanya at nakikipagtitigan pero nauna akong bumawi ng tingin.

"Tss," Pagpumaswit ko at tumayo. Nakakailang hakbang palang ako ng bigla siyang nagsalita ulit.

"If you're planning on something you better stop right now because it won't go anywhere." Malamig niyang sambit at naunang naglakad paalis.

The Mafia: The Real HeirsWhere stories live. Discover now