"Ash bakit ka naman uminom? Alam mo naman na hindi ka sanay di ba?" wika nito at hinahaplos ang mukha ng kaibigan na namumula na dahil sa alak.

      Kinuha naman ni Sarah ang kamay ni Althea na humahaplos sa mukha niya. "Bumalik ka na, kailangan kita." Sarah says at hinahaplos niya ang mukha niya sa kamay ni Althea.

      Tila bumigat naman ang nararamdaman ni Althea dahil sa sinabi ni Sarah sa kanya. "Ash kukuha lang ako ng pamalit mo, babalik ako agad." ang sabi nito at dahan dahan bumitaw sa pagkakahawak ni Sarah. Umakyat si Althea sa kwarto niya para kumuha ng damit at pamunas. Pagkakuha niya ng mga kailangan niya agad niyang binalikan si Sarah.

      Hindi akalain ni Althea na gagawin ni Sarah ang uminom, kaya nararamdaman niya na ngayon ang nararamdaman ni Sarah nung mga panahong ganito din ang kalagayan niya. Sobra siyang nag aalala kay Sarah, dahil hirap na hirap na ito sa pagsuka. Wala siyang ibang magawa kundi haplusin ang likod ng kaibigan.

      "Ash meron pa ba? Sige ilabas mo lang yan." ang sabi ni Althea na panay ang rub sa likod ni Sarah. Hinang hina naman si Sarah dahil halos iluwa niya na pati ang bituka niya. Nang matapos ito sa paglabas ng nainom niya, pinunasan na siya ni Althea. "Ash wag ka ng uulit okay? Ngayon alam mo na kung gaano kahirap ang malasing, kaya please mangako ka na hindi ka na uulit." pakiusap ni Althea kay Sarah.

       "Kung babalik ang baby ko hindi na ako uulit." sagot nito kay Althea na pikit pa ang mga mata.

      "Wag kang mag alala babalik na siya, at ang sabi niya namimiss ka na raw niya. Sana din daw hindi ka na galit sa kanya, dahil bigla ka niyang iniwan." ang sabi ni Althea na may luha sa gilid ng kanyang mata.

      "Kahit kailan hindi ko nagawang magalit sa kanya, dahil sobrang mahal ko siya. Pwede bang pakisabi sa kanya bilisan niya, dahil sabik na sabik na ako sa mga yakap niya at gustong gusto ko nang makita yung mga ngiti niya na abot tenga." ang sabi ni Sarah na kahit husky na ang boses ay pinipilit pa rin magsalita.

       "I miss you so much baby ko, I'm sorry I'm so sorry for everything." napayakap si Althea kay Sarah at saka humagulhol sa pag iyak.

      "I miss you too baby ko, I'm glad your back." ang sagot ni Sarah na sinuklian ang mahigpit na yakap ni Althea.

                                ✖✖✖✖

       It's 7:45 in the morning, nang magising si Rj, lumingon siya sa tabi ng kama niya ngunit wala roon ang Ate niya.

       "Asan si Ate? Hindi ba siya umuwi kagabi? O baka naman nasa labas na?" mga tanong ni Rj sa kanyang sarili. Kaya agad siyang bumangon para hanapin ang kanyang kapatid. Pagbukas niya ng pintuan ng kwarto niya naamoy niya ang niluluto ni Althea, at nang makalabas siya nakita niya si Althea wearing a sports bra and leggings na color black. Litaw ang kaputian nito, kaya si Rj hindi maiwasan mapatitig sa magandang cook.

      "Gosh Rj bakit mo siya tinititigan? She's so hot and sexy." she says to his mind at napalunok pa ito.

      "Good morning Rj." bati ni Althea na naghalf smile lang sa kanya. Agad naman niyang inalis ang mga matang kanina pa nakatuon kay Althea.

      "Hmm good morning too, si Ate ba umuwi kagabi? Anyway mukhang masarap yan ah? Anong pagkain yan? Mukhang kakaiba yata." tanong nito na pasulyap sulyap kay Althea.

       "Oo nasa couch siya, dyan na siya nakatulog. Umuwi siya kagabi lasing na lasing. Ah ito? Pasta Con Pomodoro E Basilico it's Italian food favorite to ng Ate mo." ang sagot nito kay Rj habang sinasalin sa plate ang linuto niya. Nagulat si Rj sa sinabi ni Althea, na lasing umuwi kagabi ang Ate niya.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now