S7 - #DKBMParamdam

Start from the beginning
                                    

     "Rj thanks for your concern, pero wala naman akong balak maging girlfriend si Althea. Masaya na akong nakakasama ko siya, yung pinagsisilbihan at inaalagaan. Hindi man niya makita yung mga effort ko ngayon, someday marerealized din niya how much I love her. At isa pa anong laban ko kay Jade, patay na nga siya pero nasa kanya pa rin ang puso ni Althea." ang sagot ni Sarah sa kapatid. Lumuwag naman ang pakiramdam ni Rj sa sagot ng kapatid, tila ba nakaramdam siya na ayaw niyang magkatuluyan ang kapatid niya at si Althea.

      "I'm glad to know that Ate, tama lang na wag mo nang balaking maging jowa ang kupal na yon. Coz I'm sure masasaktan at masasaktan ka lang." Rj says and she convincing her sister.

      "Kahit naman hindi ko pa girlfriend si Althea nasasaktan na ako. Pero pinili ko 'to kaya dapat kayanin ko, mahal ko e kaya kahit masakit na di ko pa rin magawang tumigil. But don't mind it, maiba tayo. Kakacheck ko lang ng phone kanina maraming missed call si Mommy, mukhang hinahanap ka na nila." ang sabi nito, binago man ni Sarah ang usapan nila ni Rj hindi pa rin maalis sa kanya ang sinabi ng Ate niya.

      "Hayaan mo silang maghanap Ate, I don't care. Wala na akong planong bumalik sa bahay na yon. I want to discover the world on my own ways. Gusto kong gawin yung mga bagay na hindi ko nagagawa dati." Rj says.

      "But still you need to take care of yourself, wag kang pakakampante sa bagong puso na nasa katawan mo. And as your Ate sasabihin mo sa akin yung mga bagay na gusto mong gawin, dahil ayokong mapahamak ka." ang paalala ni Sarah sa kapatid.

      "Yes Ate i will, anyway do you want to eat? Nagluto nalang ako ng hash corn beef  para mabilis, tara kain na tayo." pag aya ni Rj.

      "Kumain ka na, may gig pa ako night kaya mamayang 8 aalis din ako. Ikaw na muna bahala kay Althea ha? And please Rj be patient to her wag mo siyang aawayin okay?" bilin ni Sarah sa kapatid.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now