CHAPTER 52 : THREAT

6.2K 92 0
                                    

CHAPTER 52 : THREAT

[A/N: sorry kung nabitin kayo dun sa last chap. Sadya yun! Haha. Para mapaisip kayo kung sino ang bumalik haha! New character siya from the past? Wahaha adik ko mag-explain. Anyways, read this chap nalang para malaman. Hehe. Salamat sa pagbabasa!]

KIEN’S POV

“pards!”  nakangiting bati ni.....

O_O

JJ?!!!

a-anong ginagawa niya dito?

Siya ang demanding kong kalaban?

Natulala lang ako sa kanya.

Wala siyang pinagbago sa itsura. Yun na yun parin. Mas gumwapo pero sya parin,  yung kababata ko parin yung itsura niya.

Mas matangkad na siya sakin ngayon. Maputi at gwapo!

Tss. Mukhang babaero yung appearance niya ngayon. Di na yung totoy kong kalaro haha.

“miss me, pards?”  nakangiti niya paring tanong sakin.

Ang gwapo ngumiti! Papabels ituuuuu! ^___^

Hihihi! Pasensiya na lumalandi. Hihi.

“EHEM!” – Chase.

Napabalik naman ako sa katinuan sa kunyaring pag-ubong yun ni Chase. Hehe. Sorry ah! na-mesmerize ako eh. Hahaha.

Umakbay sakin si Chase at sa loob loob ko eh natatawa na ako.

Nagseselos na naman po si Mr. Possessive. Haha!

“kilala mo siya Kie?”  tanong ni Chase.

Simpleng tanong pero halatang naiinis sya. Haha!

Pero di parin ako makapagsalita.

Nagbabalik ang kababata ko? he’s back? For real? ang bestfriend ko simula fetus pa ata kami. Ang bestfriend ko bago si Gelay.

Si John Jeron Luy.

“uy, pards! Ano di na marunong magsalita?”  nang-aasar na tanong niya sakin.

Tss. Walang pinagbago. Mapang asar parin.

“kapal mo! Makatawag ka ng pards! Eh iniwan mo naman ako! tsee!”  singhal ko naman sa kanya.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit sakin ni Chase.

Ang seloso!! Haha! Kinikilig tuloy ako. ^__^

“magpapaliwanag ako, Pards. Pero bago yun, magkaano-ano kayo nyang nakaakbay sayo?” sabi niya habang tinuturo gamit ng nguso niya si Chase.

“fiancée niya ako.”  diretsong sagot ni Chase.

Tss! Di kami makakapag-usap ng maayos nito  ni JJ. Umiepal si Chase eh.

“totoo?!”  gulat na tanong ni JJ.

“yep! ^__^ fiancé ko siya. Si Chase Luigi Sy.”  proud ko ding sabi. Syempre! Mahal ko to kahit seloso no! haha.

“kilala ko siya.”  Walang ganang sagot niya.

Tumingin naman ako kay Chase na parang nagtatanong tapos tumango naman siya.

Magkakilala sila? Pero bakit? Pano?

Tapos bakit parang may something na hindi maganda sa dalawang to?

May galit kasi sa mata ni Chase habang tinitingnan niya si JJ eh.

At ganun din si JJ sa kanya.

Dahil feeling ko intense na ang nangyayari. Mas mabuti pang umuwi na kami at tsaka ko nalang kakausapin tong si JJ.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon