CHAPTER 45: Papa's reason

6.5K 100 2
                                    

 

CHAPTER 45: Papa’s reason

 

 

KIER’S POV

 

 

Dumaan ako sa bahay nila Kien para sana ayain siyang kumain sa labas kasi matagal narin kaming di nagkakabonding. I kinda miss my little sister. Pero pag dating ko dun. Sabi nung katulong nila na yaya ni Chase eh umalis daw yung dalawa. Nagpunta daw sa park.

Hindi ko na siya inantay. Gusto ko Makita kung paano na sila ngayon magturingan. Kung okay na ba sila o ganun parin. Balita ko kasi, medyo mahigpit na si Chase pagdating sa kanya simula nung muntik ng ma-rape si Kien. Buti nalang talaga at dumating siya dun, kasi kung hindi.

Nako! Siya ang malilintikan sakin. Kung may nangyari kay Kien hinding hindi ko siya mapapatawad.

Nung makarating ako sa park, nasa kotse lang ako. nakita ko silang nakaupo sa isang bench.

At laking gulat ko ng makitang tumatawa silang dalawa.

Si Kien? Tumatawa? Tsaka si Chase?

Napasign of the cross ako sabay sabing..

“Heaven on earth! What a great scenery there.”

Tapos napangiti nalang rin ako.

Makalipas ang ilang taon, ngayon nakita ko na siyang tumatawa. Yung tawa niya na nagpapaglow sa kanya. Yung tawa niya ngayon kasama si Chase ay katulad na katulad nung mga tawa niya noong nandito pa si Bryan. yung tawang umaabot hanggang sa mga mata niya.

Saktong dala ko ang DSLR ko kaya kinuhanan ko sila ng ilang shots. Para akong spy pero. Wala eh. Gusto ko macapture ang mgaganda nilang ngiti.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Onde histórias criam vida. Descubra agora