CHAPTER 41 : weird!

6.6K 112 2
                                    

CHAPTER 41 : weird!

CHASE’S POV

Sabi ng doctor kanina. Okay naman daw siya. Hindi naman daw napasama yung pagkakatulak sa kanya. Sobrang nanghina daw siya dahil sa pagkakasuntok sa sikmura tapos gutom pa.

Haaaay! Buti nalang talaga walang nangyari mas malala pa dun. Dahil siguradong ililibing ako ng buhay ng Kuya niya.

Mag aalas dose na ng ilipat siya sa hospital room niya. At mamayang umaga or tanghali eh pwede na daw siyang lumabas.

Sa sobrang antok ko di ko na namalayang nakatulog na ako habang nakapatong ang ulo sa gilid ng kama niya.

**

Maaga din akong nagising. Bandang 7am eh nagising na ako. dahil tulog pa siya napagpasyahan kung bumili ng makakain namin para mamaya pag gising niya kakain na lang kami.

Siguradong gutom na siya.

Pagpasok ko ng pinto ng hospital room niya nakita kong nakaupo na siya.

“ gising kana pala. Bakit bumangon ka na agad? Di ba masakit katawan mo?” sabi ko habang dali daling lumalapit sa kanya.

“ akala ko iniwan mo na ako dito.” Sabi niya habang nakayuko.

Napatigil ako.

Yung boses niya ngayon, hindi katulad ng usual tone kapag nag uusap kami. She sounds  sad.

Binaba ko yung hawak kong paperbag na may pagkain sa side table tapos umupo sa tapat niya at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

“ magagawa ko bang iwan ang fiancée kong Ice princess? Diba hindi naman? Takot ko lang.”

Sa sinabi kong yun bigla siyang napatingin sakin.

Yung mata niya. It’s like, sinasabi niyang Masaya siyang narinig yun.

Napakabaklang pakinggan peroooo. Takte, kinikilig ata ako? haha!

“ e-ewan ko. Siguro?” sabi niya at yumuko ulit.

Hindi ko mapigilang ngumiti.

Nagyon nakikita ko na ang other side ni Kien. Nakikita ko na ang soft side niya. Natutuwa ako.

Hinawakan ko ang baba niya para maiangat ang tingin niya sakin.

Halata ang pagkagulat dahil napaiktad siya.

“hinding hindi ko magagawang iwanan ang fiancée ko kahit na ano pang mangyari. Kahit pa ipagtabuyan niya ako. mag i –stay parin ako. okay?”

Tapos ngumiti ako.

Yung ngiting nagsasabing sincere ako sa mga sinabi ko.

KIEN’S POV

Pag gising ko nasilaw ako sa puting paligid. Alam kong nasa ospital ako kase yun ang sinabi ni Chase bago ako nawalan ng malay tsaka di to mukhang kwarto ko eh, kaya sigurado talagang ospital to.

Hinahanap ko si Chase pag gising ko, pero di ko siya Makita.

“mukhang iniwan niya na ako.” nalungkot ako sa sinabi kong yun.

Akala ko kase magsstay sya dito para samahan ako. pero asan siya? Wala siya.

Biglang bumukas ang pinto.

Natuwa naman ako ng Makita ko siya. Parang may kung ano sa puso ko ang biglang natuwa.

“ gising kana pala. Bakit bumangon ka na agad? Di ba masakit katawan mo?”

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now