CHAPTER 14 : the best gift

6K 99 0
                                    

CHAPTER 14 : the best gift

 

BRYAN POV

 

 Habang nag speech siya. Masaya ako para sa kanya. Pero di ko maiwasang malungkot. Di ko alam kung ilang araw na lang ako. Maeexpire na ang contract ko dito sa mundong ibabaw. Sobrang nanghihina na ang katawan ko.

Pinilit ko lang na makapunta sa graduation niya. Baka kase ito na ang huli kong mapupuntahan na special day sa buhay niya.

Kalbo na ako ngayon. Actually noong after naming mag usap ni Kier last week. Ginupit na ang buhok ko.  buti nga at di na tinanong ni Gaille kanina kung bakit nakabeanie ako.

Bukas ko na sasabihin sa kanya ang lahat.

 Bukas ko na sasabihin at tungkol sa sakit ko.

bukas na.

 

 

 

……………………..

 

KIEN GAILLE POV

 

 After naming kumain ng lunch sa restaurant nagkwentuhan muna kami. Ang saya talaga pag buo ang pamilya. Sayang nga lang at paalis nadin sila mama mamayang gabi. Sinusulit na namin ang mga gantong pagkakataon dahil di din namin alam kung kailan na ang uwi nila ulit.

“bunso eto gift ko oh.”  Sabay abot ni ate kiera ng box.

Hmmm. Ano kaya to?

Binuksan ko na at nagulat ako dahil yong sneakers na nakita ko online ang regalo niya sakin. Waaaah! So happy!!!

“thanks ate! Bakit alam mong gusto ko?”

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now