CHAPTER 50 : AGAIN.

6.4K 112 3
                                    

CHAPTER 50 : AGAIN.

CHASE’S POV

Takte! Napaamin ako dun ah! Tsk!

Di pa naman sana ako aamin eh. Di ko pa plano.

Pero dahil sa pesteng drag racing na yan.

Nasabi ko!! aish!

Pagkakarera niya ang pinag uusapan napunta sa pagmamahal ko sa kanya!

Lintek na drag racing yan! >_<

Ang gandang timing no? tss.

Tapos nakakainis pa yung reaksyon niya. Tinawanan nya lang ako pagkasabi ko na mahal ko siya.

Nakakainis!

Tapos nang asar pang ang sweet ko daw magconfess.

Eh hindi pa naman talaga dapat ngayon yun eh. Haish!

Di pa tapos yung pag uusap naming dalawa about sa drag racing na yan. Di ko na talaga siya papayagan. Ayoko siyang mawala sakin! Ayaw!

Asar na asar din ako kagabi ng malaman kong siya yung nakatalo sakin. Takteng yan. Natalo niya na pala ako ng di ko nalalaman. Siya pala yung KG na yun. Siya yung dahilan bakit tumigil ako magrace. Kasi di ko natanggap pagkatalo ko nun. Ambakla lang. Pero hindi talaga ako sports pag dating sa race! Kaya nung alam kong tulog na siya. Binutas ko yung gulong ni Bam. Hindi lang isa. Dalawa! Para walang kawala. Napagbuntunan ko lang din ng inis si Bam.

Siya yung nagddrive ngayon ng kotse ko. may pupuntahan daw kami.

Ngayon  lang ako nakasakay ng kotse na siya ang driver.

At sa totoo lang. Ang bilis niya ngang mag drive!! Pero di ka matatakot. Ang safe niya magdrive eh. Kahit mabilis talaga. Grabeng babae to!

 No doubt, racer nga! >_<

Siya nga ang ‘The Rookie’ ng drag racing society. Hayst!

Tumigil kami sa isang garden. Di ko alam kung anong tawag dito pero para syang garden eh. Ang daming halaman.  Pero parang park din. ay ewan! Di ko alam tawag dito.

Bumaba siya tapos sumunod ako sa kanya.

KIEN’S POV

Bumaba na ako ng kotse kasi andito na kami sa Hearts Garden. Yun yung pangalan nitong park. Oo. Park to pero parang garden ang setting.

Nakita ko to dati nung isang beses na nagstrolling ako.

Tapos bigla ko naisipan na, gusto ko dito magtatapat ang lalaking mamahalin ko o kaya naman dito ako aamin ng feelings ko para sa lalaking mamahalin ko ulit. Or should I say. Sa lalaking kasama ko ngayon. Hihi!^__^

At ngayong andito na kami. Alam niyo na kung anong gagawin ko diba? Hahaha.

“ang romantic naman dito.”  Sabi ni Cha na nasa tabi ko na pala.

“oo nga eh.”  Matipid kong sagot.

Hoooo! Paano ko ba aaminin? Heeeeelp! Haha

Nagulat nalang ako ng bigla siyang yumakap mula sa likod ko.

O_O

Oh gosh! I like it! Wahahaha. Takte ang landi ko!

Hindi ako makapagsalita. Di ko alam sasabihin eh tsaka di rin siya nagsasalita eh.

Ieenjoy ko nalang to. Hihi!

Buti nalang di niya nakikita mukha ko. kasi nakakahiya kung makikita niyang namumula ako. hahaha.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now