CHAPTER 21

8K 152 3
                                    

CHAPTER 21

KIEN GAILLE POV

Ughhhhhh!!! Nakakainis! NAKAKAINIS!!!!!!!!!

Ang tagal ko na sinabing gusto ko na magquit sa banda, sila ang may ayaw. Now, Robi gets mad because im saying same reasons everytime they want to talk to me.

Bakit kasi hindi nalang humanap ng ibang vocalist eh. Nakakainis talaga.

Siya pa may ganang mag walk out. Tsss! Hindi tuloy ako nakakain. Bwisit!!

naglalakad na ako. Alam kong hinahabol ako ni Gelay. Isa pa to. Ang ingay ingay!!

I was just walking ng may makabangga ako.

Leche to. Nasa tamang linya ako ha.

“TUMINGIN KA NGA SA DINADAANAN MO!!!!”  pareho naming sigaw.

Aba at sinisigawan ako ha? Siya ang may mali. Anak ng!!! badtrip na badtrip na talaga ako. >_<

This is my very first encounter with this guy.

I think he’s the so called Chase Luigi “ICE PRINCE” Sy.

I look at him straight to his eyes.

He gave me a death glare so I gave him too.

“hey, come on. Let’s go.”  Biglang sumulpot sa gilid ko si Gelay at hinila ako palayo sa lalaking yun.

That bastard. Pasalamat siya nahila ako ni Gelay.

“let me go. Kaya kong maglakad mag isa.”  Sabi ko kay Gelay.

Im so pissed off. Nakakainis!! Badtrip.

All I want is to be alone and have a peaceful life.

After Bryan passed away, naging ganito na ako.

Actually at first, akala ko part lang to ng pagmomove on ko.

I’ve been so sad and lonely for 3 years now. Wala akong ganang kumausap ng ibang tao. Mas gusto kong mag isa. Buti nga hindi pa ako iniiwan niyang si Gelay kahit na nagbago ako.

Nung una naman talaga di ko inexpect to na magiging ganito ako. Umiiwas sa ibang tao. Laging seryoso ang mukha at wala emosyong makikita  sa mukha. Naging cold ako sa ibang tao.

Binansagan na nga ako dito sa school ng  ICE PRINCESS eh. At first naiinis ako pag tinatawag akong ganun pero nung lumaon parang nakasanayan ko na din. Wala na akong pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao.

Basta alam ko, ako lang nakakakilala at nakakaintindi sa sarili ko. wala ng iba.

Masyado nang maraming nagbago sa akin ngayon. Ang dating Kien ay nawala na. at wala na akong balak pang ibalik ang Kien na yon. Masyadong weak ang pagkatao, hindi katulad ngayon na iniiwasan at kinatatakutan ng iba. Ang matapang at matibay na si Kien.

*RIIIIIIIIIIIIING*

-ATE KIERA CALLING……………….

TSSS! Ano na naman kailangan nito?

“what?!” singhal ko.

(will you stop that cold attitude Kien. Wag mo akong winawhat-what diyan.) sabi ni ate kiera.

Tss! Here we go again. Di pa nasanay eh ganito naman na talaga ako makipag usap ah. For 3 years para siyang laging naninibago sakin.

“eh ano nga ba kasi yon at tumawag ka?”

(tatanungin lang kita kong sino-sino ang ilalagay ko sa 18 roses mo.)

“I told you ate, wala akong panahon sa mga bagay na yan. and ayoko ng handaan sa birthday ko.”

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now