CHAPTER 23: the secret

8K 118 0
                                    

CHAPTER 23: the secret

KIERA GLENNE POV

(ate ako ni Kien. Haha!)

3 days.

3 days to go at debut na ni Kien.

Everything were set and ready. Lahat ay nakaplano na.

Pero ang celebrant hindi ko mahagilap.

Everytime na mag uusap kami, lagi siyang may rason. Kesyo pagod daw siya o di kaya ay antok.

Batang yun talaga.

Nasa sala ako at nanunuod ng tv. Nag file ako ng vacation leave sa office para dito sa preparations. Sakin na kasi ipinaayos nila Mama at Papa to. Actually kaming dalawa ni Kier.  Eh wala naman maitulong. Ginugulo niya lang ako.

I saw Kien na papasok ng bahay.

“Kien can we talk?”

“not now ate. nagmamadali ako. May kukunin lang ako.”

Mukha ngang nagmamadali siya. Bilis nakaakyat papuntang kwarto niya eh.

Nakita ko siyang patakbong bumababa ng hagdan.

“Kien!! Wag ka nga masanay na tumatakbo sa hagdanan.”  Pag saway ko sa kanya.

“I told you im in a hurry. Geh, got to go. Bye!”

Ano ba kasing gagawin nun at nagmamadali siya?

Hays nako naman. Bakit ba bigla nalang tumigas ang ulo niya.

Minsan tuloy napapahiling ako na mabuhay ulit si Bryan so that, ang dating Kien ay magbalik na.

Kung ano anong kabusy-han ginagawa niya. Ni hindi niya pa nasusukat yung mga gown niya for her debut.

Nako naman!!! Bat ganito.

“oh? Bat ganyan itsura mo ate? – kier.

Dumating na pala ang magaling kong Brother. -.-

“Kien kasi eh. Di ko alam kung ano pinaggagawa. Laging busy. Ni hindi manlang maisukat yung mga gown niya.”

Lumapit si Kier sakin at nagkiss sa cheek ko at umupo sa tabi ko. Kahit sira ulo tong lalaking to at lagi ako inaaway. Still, he’s sweet parin sakin bilang ate niya.

“wala naman ng bago eh. Tatlong taon na siyang ganyan. Alam kong babalik din ang dating Kien. We just have to wait ate.”

“sana nga Kier. Ang hirap niya kontrolin. Ang dami na niyang nililihim satin.”

“ate, ang magpakontrol ang ayaw na ayaw ni Kien noon pa man. Oo siguro dati nakikinig pa siya pero hindi natin siya kontrolado. Ganoon na siya noon pa, lumala lang nung mawala siya.”

“hay! Kung pwede lang na mabuhay siya ulit.”

“hay nako ate. yan ka na naman. Intindihin nalang natin siya. Kita namang nagkakaganyan siya dahil gusto niyang makalimot eh.”

Napayuko nalang ako sa sinabi niya. Bakit minsan parang si Kier pa ang panganay sakin. He really grew up.

“tara kain nalang tayo. Nagugutom na ako eh.”  Pag aaya ni Kier.

Tumayo kaming dalawa at naghanda ng makakain. Buti nalang at nakaluto na pala si Manang. di na naman namin kasabay si Kien mag dinner.

Mabibilang nalang sa daliri ng kamay ang dami ng beses na nakakasabay namin siyang kumain dito sa bahay.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon