CHAPTER 46 : FEELINGS 1.0

6.9K 109 12
                                    

CHAPTER 46 : FEELINGS 1.0

 

 

KIEN’S POV

Ilang buwan na ba ang nakakalipas mula ng unang araw na tumira kami dito sa bahay na binili ni Papa. tumira malayo sa pamilya ko at kasama pa ang taong noon ay sobrang kinaiinisan ko.

Hindi ko maatim na nakikita siya araw araw kaya, kunyari nalang di ko siya napapansin. Na wala akong kasama. Na independent na talaga ako.

pero, lumipas ang mga araw na hindi ko na lang namalayan na pinapansin ko na siya. Pinakikisamahan ko na siya ng maayos, nag uusap na kami and the weirdest part is.. ngumingiti at tumatawa na ako sa harap niya!

I never thought it will happen. Hindi ko talaga inakalang tatawa at ngingiti ako sa harap niya. Ang mga ngiti at tawa ko na hirap na hirap kong ibigay sa iba kahit sa pamilya ko pero pagdating sa kanya. Isang pitik lang nagawa ko.

ANO NA BANG NANGYAYARI SA MUNDO KO?!

“hoy! Lalim ng iniisip mo?” si Gelay. Magkasama kasi kami ngayon. Andito siya sa bahay. Wala si Chase. Kasama yung dalawang itlog niyang bestfriend. Mambabae na naman yun.

Bigla akong napakunot noo ng dahil sa naisip ko.

Bat ang weird ko talaga? Tangeks naman eh!

“huuuuy! Ano ba kasing iniisip mo? Mukhang ang lalim eh. Di ko mahukay! Nakakunot pa noo mo dyan. Di na ba talaga pedeng i-reach?”

 

Natawa naman ako sa litanya niya. May pa reach reach pang nalalaman. Tong si Gelay talaga kahit kailan!!

“sira! Haha. Naka- off kasi kaya cannot be reach!”  sabi ko naman. Dahilan para pareho na kaming matawa.

Ang korni lang! Pero namimiss ko yung ganito.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now