CHAPTER 19: panaginip

7.7K 125 7
                                    

CHAPTER 19: panaginip

KIEN GAILLE POV

 

Its been 2 days since he passed away. Pero andito parin ako sa bahay. Ni hindi ako lumalabas ng kwarto ko.

Pakiramdam ko pag lumabas ako ng kwarto ko makikita ko siyang nakatayo doon sa labas ng pinto at nakasmile sakin.

Pakiramdam ko pag lumabas ako ng kwarto makikita ko siya sa sala na nakaupo at naglalaro ng mga gadgets ko.

kahit dito sa bahay namin mahihirapan akong magmove on. Madalas siya dito sa bahay. Minsan halos buong araw siyang nagstay dito. Sa kwarto ko lang siya walang ala-ala dahil ni minsan di niya tinangkang pumasok dito. Kahit pinipilit ko siyang pumasok dito, ayaw niya. Tsaka nalang daw pag kami na.

pero kailan pa mangyayari yon, Kung wala na siya?

Bukas na ang huling lamay para sa kanya, pero hindi ko pa din alam kung kakayanin ko bang pumunta. Di ko alam kung kaya ko ba siyang Makita sa loob ng puting malaking kahon na hinihigan niya.

Hindi na ako umiiyak ngayon, pero lagi lang ako nakatingin sa kawalan.

Ang hirap hirap!! Lagi ko paring tinatanong kung bakit siya? Bakit napaka aga? Pero kahit anong tanong ko, wala akong makuhang kasagutan.

BRYAN BAKIT KA SUMUKO AGAD? BAKIT MO KO INIWAN?

ANG SAKIT SAKIT!!!

*toktok*

“baby? Kien? Papasok ako ha?”

 Si Mama. Dumating na pala sila ulit.

Di ako sumagot. Nakatingin lang ako sa ceiling ng maramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant