CHAPTER 5 : DATE SA MALL

10.1K 167 5
                                    

this is dedicated to you kate! hahaha.

for those na gusto magpadedicate pm niyo lang po ako. ^____^

CHAPTER 5 : DATE SA MALL

 

KIER GALLEN POV

Loko loko talaga tong kapatid ko. ang dali magtiwala. Nakita ko lang kasayaw niya yong lalaki tapos biglang nawala.

Tapos makikita namin ni jellie na magkasama sila dun sa garden.

Nag iinit ulo ko pero mukhang wala naman silang gingawang masama dahil nagtatawanan sila. Pero kahit pa ganun. Naasar padin ako at bigla sila nawala.

Pero napansin ko kay  kien iba ang mga ngiti niya ngayon ah.

Nako po.. mukhang naiinlove na ang baby namin. Sana hindi to isa sa mga gustong gumanti sakin. Sana hindi yun loko lokong lalaki. Sasamain talaga yung bryan cruz nayun sakin. Subukan niya lang.

Nasa kotse na kami at nagmamaneho na ako pauwi. Si jellie umuwi nadin hinintay naman siya ng driver niya.

Kanina pa ngingiti-ngiti to parang baliw.

“hoy kien! Kanina ka pa ngumingiti diyan. Parang kang baliw!”

 Sabi ko kay kien. Muntanga na kasi. Kala mo may saltik. Well meron naman talaga haha!

“haha. Ikaw kaya ang makilala ang crush mo. Tapos magmomall kayo bukas. Sige di ka ba mapapangiti ha kuya??”

Anong sabi?? Magmomall sila??at bakit??

“ano kamo?magmomall kayo?!!”

 

“opo kuya! Yun kasi kapalit ng pagbalik niya ng panyo ko hihi!!”

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon