CHAPTER 47 : FEELINGS 2.0

5.8K 93 6
                                    

CHAPTER 47 : FEELINGS 2.0

CHASE’S POV

 Ayoko sanang umalis ng bahay kasi walang kasama si Kien. Off kasi ni Manang ngayong araw. Pero tong dalawang ugok ang kulit. Tinawagan pa talaga si Kien para lang mapapunta ako.

Tapos eto, naglalaro lang naman kami ng xbox dito sa bahay nila Cole. At may mga babae pa. Gago talaga to.

Alam na loyal ako sa fiancé ko eh. Haha!

Pero, seryoso yun! Loyal ako kahit masungit yun. Basta Makita ko lang yun ngumiti.. waaaah! Lalo akong naiinlove.

Ay putek! Ambakla lang.

Napansin ko lang sa sarili ko, napapadalas na ako sa mga pambaklang ganyan. Lover  boy na lover boy ang dating. Nakakainis! Di ko kasi mapigilan eh.

“boom! Talo ka ngayon Chase! Haha! Buti nalang wala ka sa sarili wahahaha.”  Si Cole. Takte lang! Di ako makaconcentrate dahil iniisip ko si Kien.

“tss! Uuwi na nga ako.”  sabi ko nalang. Namimiss ko na si Kien eh.

Takte! Ambakla talaga. Tsk!

Bakit ba ganito epekto niya? Hay!

“oy! Wag ka madaya! Pinaalis ko na nga yung mga chikababes tapos uuwi ka. Sapakin kita dyan Chase!”  sabi niya.

Tangna! Maka-chikababes ang walangya!

*bugsh*

Ayan! Nabatukan tuloy ni Jan hahaha.

“tanga mo talaga Cole!”  sabi ni Jan.

Pinanlisikan naman ni Cole si Jan ng tingin tapos tumawa lang si Jan.

“nabatukan na, natanga pa? Pambihira naman!”  sabi ni Cole.

“totoo naman eh. Alam mo namang may fiancé na yan at mahal na niya yun tapos binibigyan mo pa ng babae.” – Jan.

“ayaw mo kasi tanggapin yung mga binibigay ko.” – Cole

“wag mo na akong bigyan, may nahanap na ako.” – Jan

Natigilan kaming dalawa ni Cole.

Ano daw? May nahanap na siya? Weeeeeeh??! Si Jan? Na woman hater?

Woah! Miracles do happened nga!

“sino naman ang babaeng yan?”  tanong ko.

“tsaka na! hindi pa rin ako sigurado.” Sagot ni Jan.

“wuuuuh! Baka naman wala talaga?” pang aasar naman ni Cole.

“tss.”  Yung nalang ang naisagot ni Jan at umiling iling.

Hinayaan na namin siya. Alam ko namang sasabihin niya din yan.

Nagsawa kami sa paglalaro ng xbox kaya naman kumain nalang kami habang nanunuod ng t.v.

“ba yan, pre! Kailan ka pa nanuod ng Phineas and Ferb? Tae ang bakla ah.”  Sabi ni Cole.

Tiningnan ko lang siya ng masama.

“haha! Tanga mo talaga Cole. Eh diba? Favorite yan ni Kien?” sabi ni Jan.

Pansin ko lang. Lagi tumatawa si Jan. Tapos medyo mahaba na sinasabi niya. Mukhang inlove nga ang loko! Buti naman tinamaan na siya. Haha. Malapit na rin akong maniwala sa sinasabi ni Cole na bakla to eh.

“aaaah. Oo nga pala. Lakas ng tama ni Kien sayo no?”  sabi naman ni Cole sabay siko sakin.

“oo na! aminado naman akong malakas tama niya sakin. Tingnan mo nga’t kahit yang palabas na yan na ayaw ko, pinapanuod ko na ngayon kasi nga basta para sa mahal ko. kung ano gusto niya.. gugustuhin ko rin.”  Sabi ko habang diretso ang tingin sa t.v.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now