CHAPTER 36: ELECTRIC SHOCK

6.8K 93 4
                                    

CHAPTER 36: ELECTRIC SHOCK

 

 

CHASE’S POV

 

 

Nasaan na ba ang babaeng yun? Napaka insensitive talaga nun. Oo na, hindi dapat ako ganito. Pero tulad ng sabi ng Kuya niya. Alagaan ko ang kapatid niya. Dahil wala daw silang sisisihing iba kapag may nangyari sa kanya kundi ako lang. Kaya lang, ano bang magagawa ko kung siya tong napakalayo sakin? Hays!

Dalawang buwan na kaming magkasama dito sa bahay.

Walang nagbago, kung ano yung first day namin yun parin kami ngayon. Wala paring nagbabago.

Walang pansinan. Tapos walang imikan, iimik lang kung may itatanong o sasabihin tas after eh. Wala na!

Nakakainis na din! to think na ako yung lalaki at ako pa ang nagaadjust sa kanya.

Anoba?! Di ako nababakla ha! Ginagawa ko to dahil ayokong masisi. Pero siya! Hays! Napaka insensitive! Ang sakit niya sa ulo!

Dun sa rule ng Papa niya. Isa lang ang nasusunod. Yung number 1 lang. Yun iba hindi na.

Hindi siya sumasabay kumain. Sabi niya kakain siya kung kelan siya gutom. sasabay daw siya kung gusto niya pero di ko na daw siya dapat pang isama sa paghahayin ko.

Lalong lalo na yung pag umaalis siya. Hindi siya nagsasabi kung saan siya pupunta. Nakakaasar na!

Ngayon andito ako sa bahay. Sa salas to be exact. Nakapatay yung ilaw para magmukhang hindi ko siya inaantay. Kahit inaantay ko naman talaga siya. Tss!

Madaling araw na. Pero di pa siya umuuwi. Di ko naman magawang matulog kase nga, hindi pa siya umuuwi. Argh!

Di ko naman matawagan kase baka isipin niyang nag-aalala ako, which is hindi mangyayari.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon