CHAPTER 57: NERD COCO [CoNe moment]

5.4K 99 2
                                    

CHAPTER 57: NERD COCO [CoNe moment]

 

 

 

 

 

JANE’S POV

 

 

Akala ko pag nasabi ko na sa kanya. Magiging okay na yung nararamdaman ko. pero hindi pala. Bakit mas nasasaktan ako? bakit pakiramdam ko mas masakit?

Inaamin ko mahal ko pa sya. Tawagin nyo na kong tanga pero mahal ko talaga sya. Hindi naman ako tumigil sa pagmamahal ko sa kanya eh. pero bakit ang sakit marinig ng sorry nya? Bakit dinudurog nun yung puso ko? dahil ba... sawang sawa na akong makarinig ng sorry. dahil ba pag sinabing sorry wala ka ng magagawa pa?

-     Mommy Calling...

Agad kong sinagot yung tawag ni Mommy.

“Mom?”

 

 

(Where are you?”) she asked. She still sounds weak. Kakagaling nya lang sa pagkakaron ng fever.

“Kien’s House, pero pauwi na po ako. bakit po?”

(Your Dad...) bigla nyang sabi. Agad naman akong nakaramdam ng galit at inis.

“Mom, wala na akong tatay. Matagal ng patay yun.” Sabi ko habang pinipigil yung galit ko.

(Jane!) pag wawarning nya sakin.

“Mom bakit ka ba ganyan?” nag uumpisa na naman akong maiyak, pinipigilan ko lang. Ayoko ng maging mahina. Mahal na mahal ni Mommy yung tatay kong isa’t kalahating g*go pero puro sakit lang naman binibigay nya sa Mommy ko.

(andito sa bahay ang Daddy mo.)

 

 

“ANO?! Ang tibay nya ding magpakita dyan! Anong ginawa nya sa inyo?! Malapit na ako Mom.” Sabi ko sa kanya na punong puno ng pag aalala. Kumuha na ako ng pera sa purse ko para agad kong maiabot kay manong driver mamaya.

Ilang minuto lang at nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Agad kong ibinigay ang bayad ko at sinabing keep the change. Wala na akong oras para maghintay pa ng sukli.

ICE PRINCESS MEETS HER ICE PRINCE (COMPLETED) (EDITING)Where stories live. Discover now