"Why you're not answering my calls? halos mapudpod na ang daliri ko sa kakadial sa numero mo?!" aniyang medyo malakas ang boses at haata ang iritasyon.

"Nakasilent mode ang phone ko, saka sandali bakit ka ba nagagalit? kung sinabi mo ng mas maaga e di sana nasabihan kitang nagmove ng time yung huling prof ko!" naiinis kong sagot.

"I was worried kasi di mo rin nasabihan si Mang Nestor na mahuhuli ang klase mo, nevermind! I'm still here sa parking, bilisan mo!" sabi nitong galit pa rin saka tinapos ang tawag.

Natahimik akong napatingin sa aking telepono.  Anong problema non?  Malamang di ko nasabihan si Mang Nestor kasi di naman yun umaalis sa school at laging naghihintay. Pagtingin ko sa relo ko halos magaalas sais na ng hapon. Di pa naman masyadong madilim.

"O anong nangyari?" lapit ni Anne sa akin.

"Nagagalit na si kamahalan, sige na Anne i have to go mauna na ako, kita na lang tayo bukas" sabi kong nagmamadaling magsilid ng telepono sa bag kong papunta ng parking.

"Sus, namiss ka lang non" biro nitong may mapalad na ngiti sa kakatukso pa rin.

"Nagawa mo pa talaga akong tuksuhin, may namiss bang ganon e halos ihiwalay ko na ang telepono ko sa tenga dahil sa lakas ng boses niya at take note galit na galit pa"

"Mauna na ako, umuusok na ang ilong nun panigurado" sabi kong kumaway.

Medyo kabado ako ng tanaw ko na ito sa parking na nakasandal sa sasakyan niya lalo na ng umangat siya ng tingin sa gawi ko, and as usual nakakunot ang noo niyang salubong ang kilay.

The ever Jaxon Andrei Villegas signature look. Di na bago sakanya ang ganyang hitsura, madalas kong makita yan lalo na kapag pinapagalitan kami noon ni Jake pag nahuhuli kami ng uwi galing sa galaan o paglalaro sa park noong mga bata kami.

Sumalubong naman itong kinuha ang ilang mga libro kong giniya ako sa harapan ng sasakyan niya.

"Sorry, nagchange kasi ng time yung prof namin" paliwanag ko na lamang para wala ng pagtatalo.

Pinagisipan ko ito ng matagal noong nakaraang araw pa, na kung maari ay hindi na ako makikipagtalo pa rito bukod sa wala na akong magagawa at nakatali na ako  ay lehitimo ang kasal namin at kailangan ko ng pakisamahan siya at araling maging mabuting asawa para sakanya.

Di siya umimik at nilagay lang gamit ko sa likod at saka umikot na rin.

"PUt on your seatbelts" aniya.

Sumunod naman ako.

"Sorry na Jax, di mo kasi ako nasabihan ng maaga kasi si Mang nestor naman ay naghihintay lang sa parking kaya di ko na rin sinasabihan kung may changes sa schedule ko" paliwang ko.

"I'm sorry too kung tumaas ang boses ko kanina, i was worried kasi you're late for almost two hours already" sabi nito pero di nakatingin sa akin.

"Anyway from now on, i'll drop and pick you up sa school kung okay ang schedule ko at sasabihan mo ako kung mahuhuli ka ng uwi kahit ang driver pa ang susundo sayo" seryoso pa rin niyang sabi.

"Okay" sagot ko na lamang

"Kina mommy tayo magdidinnner" aniyang ng tumango lang ako. Yung totoo, lihim akong natuwa atleast di ako magluluto ngayon.

Pagdating pa lang doon ay sumalubong na agad sina Tita Maricar.

"Hi tita!" bati ko na sumalubong.

"Hindi ba dapat mommy na ang tawag mo sa akin?" aniyang parang nanunukso.

"Oo nga po pala, nakakalimutan ko po lagi" ngiti ko.

"It's okay, lika ka na sa kitchen" excited na aya niyang habang nilingon ko si Jax na nakasunod lamang at dumiretso kung nasaan si Tito Ben sa sala.

"Kamusta na kayo?" tanong ni Tita Maricar habang nagpreprepare ng hapag at ako nama'y naghugas ng kamay para makatulong.

"Okay naman po kami" sagot ko.

"Anyway, kaya kami nag ayang magdinner kasi paalis na kami bukas and baka magtagal kami ng konti sa America kasi sa expansion ng bussines na aaralin ng Daddy ninyo doon" sabi nito.

Tumango ako.

"You will be fine" sabi nitong humaplos sa pisngi ko.

Tumango ako at ngumiti.

"Di lang masyadong showy siJax pero alam kong he cares for you, di naman papayag ang isang lalaking matali sayo at ibigay ang pangalan niya sayo kung ayaw ka niya... importante sakanila yun, ang pagbibigyan nila ng pangalan nila" aniyang marahil nararamdaman niyang may pangamba ako na maiiwan kami ni Jax na kami na lang talaga.

"Alam ko po yun" sabi ko na lamang na ngumiti.

"You will learn to love and accept him,...and i know ito rin ang gusto ni Jake" sabi nitong seryosong tumingin sa akin.

Tumango akong muli at naisip si Jake.

Napabuntong hininga ako.

"Here, take this, I made this for you" aniyang abot sa isang maliit na notebook.

"Ano po ito?" tanong ko.

"LIst yan ng favorite foods ni Jax, at mga recipe, he loves to eat, makakatulong yan sayo" ngiti niya.

"Salamat po" sabi kong yumakap , atleast di na ako maghahanap sa youtube ng lulutuin.

"And hindi diyan nakalista yung graham cake kasi alam mo na yun gawin, nagustuhan niya yung ginawa mo noon" aniya pero sa pag ka alala kong kay Jake ko binigay at naglagay pa siya sticker note doon.

" Remember nung nagbigay ka ng peace offering kay Jake? nag away din silang magkuya noon, kasi halos ubusin ni Jax ang bigay mo at galit na galit si Jake noon" natatawang kwento ni Tita Maricar na umiiling iling. Napangiti na lang ako.

"Call your husband at daddy ninyo, magdidinner na tayo"

.

*

thanks for the votes and comments!

Scent of Heaven (Jax and Mara )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon