Chapter XVI: Twin's Date

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi naman kasi ako yung typical na teenager na mahilig mag shopping, manuod ng cine, gumala kasama ang barkada, at mahilig mag PDA. I prefer staying at home, reading books, movie marathon, sleeping, training or researching about some important matters. Kaya nga ginagawa ni Kiefer ang lahat para maging memorable ang mga date namin. Err? Kailan pa ako naging madaldal? Baka nahawa na ako sa kadaldalan ni Tricia. 'Sigh' hay nako, ano ba ang pinagsasabi ko? -.-

"Uh hime? Okay ka lang?" Nagtatakang tanong ni Kiefer habang sumusulyap sakin.

"Huh? Yeah, I'm fine." Kampante kong sagot. "Why?" Taka kong tanong.

"Well, para kang may problema eh. Bumubuntong hininga tapos umiiling." Sagot niya sakin, halatang concern siya.

"Don't mind me, tsaka eyes on the road." Sabi ko at tumingin sa labas ng bintana.

Kiefer POV

Sumulyap ako kay hime at nakita ko siyang bumubuntong hininga tapos umiiling. May problema ba siya? Ma tanong nga siya.

"Uh hime? Okay ka lang?" Taka kong tanong habang sumusulyap sa kanya.

"Huh? Yeah, I'm fine." Kampante niyang sagot. "Why?" Taka niyang tanong.

"Well, para kang may problema eh. Bumubuntong hininga tapos umiiling." Sagot ko na may himig ng pag-alala.

"Don't mind me, tsaka eyes on the road." Sabi niya at tumingin sa labas ng bintana ulit.

Hinayaan ko nalang siya at nag concentrate sa pagmamaneho.

Lumipas ang halos isang oras na byahe at nasa parking lot na kami ng Enchanted Kingdom. Tumingin ako kay Hime na nakatulog kaya ginising ko siya.

"Hime, gising na andito na tayo." Pag gising ko sa kanya.

Nagising naman siya at kinusot niya ang kanyang mga mata at humikab. Bago kami lumabas ng sasakyan ay inayos niya muna ang repleksyon niya. Nang matapos siya ay bumaba na kami at pumunta sa tapat ng EK. Tila naman nag ning-ning ang mga mata ni Hime.

"Seryoso sa Enchanted Kingdom tayo?" Masaya niyang tanong kaya ngumiti lang ako bilang sagot.

"Tara?" Aya ko sa kanya sabay abot ng kamay ko.

Maligaya naman niyang tinanggap ang kamay ko at pumila na kami para bumili ng ticket. Nang nakabili na kami ay pumasok kami at naglibot para maghanap ng magandang rides.

Kaya ito ang pinili kong puntahan namin dahil mahilig si Kiana sa Amusement Park at mahilig rin siya sa mga extreme rides. Kang Kamatayan nga hindi siya natatakot sa mga rides pa ba? Hahaha. Nagpatuloy lang kami sa paglilibot ng may napili na siya.

Hinila niya ako sa pilahan para sa EKstreme Tower. Yung nasa taas kayo tapos biglang baba, yun ang sasakyan namin. Wala naman' problema sakin dahil mahilig rin ako sa mga extreme rides.

"Ma'am at Sir maupo na po kayo." Sabi samin nung nagbabantay sa ride kaya umupo na kami.

Nang napuno na ay umangat yung ride, lumipas naman ang ilang segundo ay biglang bumaba yung ride. Todo naman sa pagsigaw yung mga tao habang kami ni Kiana ay nag-e'enjoy lang.

Nang natapos kami sa EKstreme Tower ay sumakay naman kami sa Disk-O-Magic. Gaya kanina sa EKstreme Tower nag-enjoy lang kami at sumakay naman sa ibang mga rides. Tumigil muna kami sa pagsakay ni Kiana dahil nakaramdam kami ng gutom at pagod kaya umupo muna kami sa bench.

"Napagod kaba?" Tanong ko sa kanya.

"Medyo," Sagot niya.

"Eh gutom ka ba?" Tanong ko ulit at tumingin sa kanya.

The Mafia: The Real HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon