Chapter 60 Missing feelings

Comenzar desde el principio
                                    

"Ang alam ko galing sya sa pagkaka comatose."

"Ay kaya!" - Soney.

"Eh baka naman sadyang magkapangalan lang yung dalawa? Tutal marami namang Raf ang pangalan, at tsaka ano bang big deal dun?" - Roice.

"Ang iniisip ko kasi baka si Kuya at yung lalaki na nasa panaginip ni Leaf ay iisa."

"Ibig sabihin mag ex sila ganun?" - Cliff. Yun din talaga ang unang pumasok sa isip ko, kasi pakiramdam ko talaga. Yung Raf sa panaginip ni Leaf yun yung ex nya na hindi nya na maalala ang pangalan.

"Eh paano mangyayare yun? Ang alam ko, si Sarah at yung Ate Ayumi mo lang ang naging girlfriend ng Kuya mo." - Soney.

Isa pa yun! Hindi malihim si Kuya pag dating sa pag-ibig, si Ate Ayumi lang ang itinago nya sa amin noon kasi hindi boto yung totoong Daddy ni Kuya sa pagmamahalan nung dalawa kaya pati sa amin itinago nya na may kinakasama na pala sya at yun ay si Ate Ayumi.

Hindi talaga ako mapapalagay hangga't di ako naliliwanagan sa mga nangyayare.

"Kung kasama mo kanina si Leaf at kung nagkataon nga na mag ex sila, anong ginawa mo?" -Roice.

"Ayun, pinigilan ko sya. Nagdahilan na lang ako na sumama ang pakiramdam ko. Baka kasi makita nya pa si Sarah at si Kuya." Nagtinginan naman yung tatlo, "Hoy! Hoy! Anong ibig sabihin ng mga tingin na yan hah?"

"Concern ka ba na baka makita ni Leaf yung dalawa kasi ang nasa isip mo, mag ex sila ng Kuya mo tapos masasaktan si Leaf sa mga makikita nya?" - Cliff.

"Ha---hah!? Hi--hindi ah!"

"Ihhh maganda naman Leaf, maalaga, good example of a perfect wife. Aminin mo nga sa amin, nagkakaroon na ba ng short circuit sa nararamdaman mo para kay Leaf?" - Soney.

"Sho--short circuit? Ano namang kinalaman ng kuryente dun?"

"Spark! Nagkakaroon na ba kayo ng spark?" Habang pa wink wink pa sya ng mga mata.

Anong spark ang pinagsasabe ng mga gunggong na yun? Ako magka gusto kay Leaf? Tsk, never!

Charles POV -

"Nagkita na naman kayo ni Sarah tapos ano? Nagmakaawa na naman ba sya sayo? At sinabe ba nyang mag move on ka na at sya naman ang piliin mo?" Si Lawrence na nakahiga sa kama ko habang nagbabasa ng magazine.

"Stop it Lawrence, ayoko ng marinig pa ang mga bagay na yan and besides wala na dapat kaming pag-usapan pa dahil tapos na ang lahat sa amin."

"O baka naman kaya ayaw mo na syang balikan kasi may bago ng nagpapalambot ng puso mo?" Hindi ko sya tinigingnan tuloy pa rin ako sa pag-aayos ng mga damit ko.

"Kung si Leaf man yung tinutukoy mo, i'm sorry but she's married huwag na natin syang idamay pa dito."

Tumayo naman sya at tumindig ng seryoso, "Paanong hindi sya dapat madamay dito? Eh sa mga nakikita ko sayo. Sya lang ang dahilan mo para mag stay pa dito, kung tutuusin nga after the business meeting sa US at dito sa Pilipinas pwede na kayong mag migrate ni Yumi sa Europe pero anong ginawa mo? You decided to stay here! Since the day you saw Leaf, everything has been changed! Sabe mo kalilimutan mo na si Ayumi pero anong nangyayare ngayon? Binubuhay mo naman sya sa katauhan ng ibang tao."

Pinipilit ko namang wag isipin na si Ayumi at si Leaf ay iisa pero hindi ko kaya, hindi ko maiwasan lalo na't wala silang pagkaka ibang dalawa.

"Nag-iisa lang si Ayumi." Seryoso kong sabe.

"Siguro nga, nag-iisa lang si Ayumi pero bakit hanggang ngayon bukang bibig mo pa rin si Leaf?" Bukang bibig ko na ba si Leaf? Hindi ko na namamalayan ang nangyayare sa sarili ko. "Don't tell me may nararamdaman ka na talaga kay Leaf hindi dahil sa clone sya ng asawa mo, kung hindi dahil gusto mo talaga yung totoong sya? Yung totoong Leaf."

Napa upo na lang ako, "Madalas naiisip ko sya pero mas nakatuon yung atensyon ko sa kung paano nya ako itrato, hindi dahil sa mukha nya. Madalas din na nakakalimutan ko ng may asawa ako sa tuwing kasama ko sya."

Tinapik nya ako sa may braso, "Confirmed! Ang totoong Leaf na talaga yung mahal mo at hindi na dahil sa nakikita mo sa kanya yung asawa mo. Pero paano yan? Asawa na sya ng kapatid mo?"

Ganito ba kasaklap ang tadhana sa akin? Sa dinami rami ng lalaki sa mundo, bakit kapatid ko pa ang magiging kahati ko? At bakit nagmahal muli ako sa kamukha pa ng dating asawa ko?

Athan's POV -

Kanina pa ako nagbabasa ng mga documents dito pero hindi ako makapag focus dahil kay Sarah na kaninang kanina pa paikot ikot sa harapan ko.

Tumayo ako, pinuntahan sya, hinawakan sya sa magkabilang balikat at dahan dahan syang inupo. Umupo naman ako sa harapan nya.

"What's wrong with you again, Sarah? Napaparanoid ka na naman." Pero hindi sya makapag salita. Para syang kinakabahan, "Tell me. Makikinig ako!"

Tumingin pa sya sa paligid namin, parang nagdadalawang isip na magsalita. Huminga sya ng malalim tsaka ako tiningnan sa mga mata.

"Nagkita na naman kami and the bad news is, mukhang nagkita na sila ni Leaf."

"Whhat!?" This cannot be!

Leaf's POV -

"Oh, nandyan ka na pala? Kadarating mo lang?" Tanong nya.

"Opo! May hang over ka pa ba?" Dumaretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig, "Binilhan kita ng honey tea!" Ipinag lagay ko na sya sa tasa. "Inumin mo pang patanggal ng hang over yan."

Hindi nya pinansin yung tea, nakatingin lang sya sa damit ko. "Saan ka ba nagpunta at ayos na ayos ka?" Seryosong pagtatanong nya. Siguro may hang-over pa 'to. Hindi naman sya ganyan eh.

"Tumawag si Louie.."

Napatayo sya, "Sinong Louie!?" Nabigla naman ako sa ginawa nya. "Ahh kasi ano... Ah... Baka kasi kung anong makarating na balita kila Lola kaya tinatanong ko kung sino si Louie." At bumalik na sya sa pagkakahiga habang nagkakamot ng ulo.

"Aish! Si Louie Chavez, yung sikat na actor sya kasi yung leading man dun sa pelikula nag aya lang sya na mag coffee.."

"Coffee lang ba talaga ang ipinunta mo dun? Pwede namang magtimpla ka na lang ng kape dyan tapos dito mo sya yayain sa bahay."

Inihagis ko yung bag ko sa tabi nya sabay pamewang habang tinataasan ko sya ng kilay, gigil mo ko eh. "Huwag ka ngang umasta dyan na para kang nagseselos. Hindi bagay sayo, nakakasuka." Pumasok na ako sa banyo.

"Hoy! Hindi ako nagseselos noh!?" Pahabol na sigaw nya.

"Hindi ba talaga!?"

"Oo! Kahit magdamag kayong magkasamang mag coffee wala akong pakelam! Busy ako sa mga business meeting ko, wala akong balak na mag coffee sa labas pa? Sus! Pwede namang sa bahay na lang bakit kaylangan pang lumabas tapos may asawa ka at hindi ka man lang nagpaalam. Ano na lang sasabihin ng ib..." Lumabas na ako ng banyo, tiningnan sya ng masama at tsaka sya ibinato ng sabon! "Aray! Ano ba Leaf!? Ang sakit non ah!!"

"Oh ayan! Lunukin mo ng mas magmukhang kang malinis na tao!" Letche yun! Ano bang problema ng hayop na yun, kung makapag malinis akala mo kung sino. Eh mas malala pa nga ginagawa nila nung girlfriend nya kaysa sa makipag coffee ako kay Louie. Psh!

Wanted Babymaker (Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora