Si Jon.

Patakbo siyang lumapit sa akin at agad akong tinanungan kung ano ang ginagawa ko rito sa may field.

"hinahanap ko kasi yang kakambal ni cyril ehh.."-iritang sabi ko sa kanya.

Ganito ko siya pinapahalagahan.

"huh??'-kunot-noong taka ni Jon.

"ahhh,, Si mika.. Mika Austin.. Kakambal ni Cyril.."-pagpapaliwanag ko agad sa kanya..

"ahhh.."-na sinabayan pa niya ng pagtatango..

"Hindi ko alam na kakambal pala ni Cyril si Mika.."-tapos ay nilagay pa niya ang hintuturo niya sa kanyang baba na para bang nagiisip.

"Napakaliit talaga ng mundo."-seryong sabi ni Jon.

Napaisip ako bigla at sumeryoso ng tingin sa kanya na ikinataka ulit niya..

Gusto kong itanong sa kanya si Rex.. kung sino si Ana? at kung bakit gusto ni rex si mika ng dahil lang kay ana..

"I know, curious ka sa narinig mo kahapon.."-napapikit ako nang ilang beses..

Nahulaan niya ang iniisip ko..

Tumango siya at tumingin sa mga naglalaro ng soccer.

"Si ana, Isa siyang normal na babae na may mataas na pangarap sa buhay.. "

Humarap narin ako sa mga naglalaro ng soccer at tumingin sa kanila.

"Mabait na tao si ana, Maganda rin siya at matalino.. Kaya nakuha niya ang puso ni rex.."

"Nasaksihan ko lahat ng mga nangyari sa pagiibigan nila.."

"Nagumpisa lahat iyon sa necklace..Napulot ni Rex ang isang necklace na dolphin at itatago na sana ito ni rex ng dumating ang may ari ng necklace na ikinahulog ni rex sa kanya. si ana.."

Bigla akong napatingin sa kanya..

Naalala ko bigla ang narinig ko sa kanya kahapon.

"At doon nagumpisa ang pagmamahalan nila.. Tumagal din sila nang isang taon." nakangiting sabi ni jon.

"Pero hindi lahat natatapos sa masayang pagsasamhan, lagi nalang may mga problemang hahadlang at hahadlang sa kanila. Naaksidente si Ana,."-nanlaki ang mga mata ko ang napasinghap..

"at dahil iyon kay rex.."-mahinang sabi niya..

"pero, anong nangyare?"-curious na tanong ko sa kanya..

"nasangkot sa isang gulo si rex at nakita ito ni ana kaya tinawag niya si rex para tumigil na ang kaso mas lalong lumalala dahil si ana ang pinagdiskitahan nila.. sinaktan nila at hinarass si ana hanggang sa nawalan na siya ng malay.."

"agad siyang dinala sa ospital at kritikal na ang buhay niya ng dahil sa brain damage pati narin ang malalaking sugat sa tagiliran niya dahil na rin sa sinaksak siya ng dalawang beses.."

"nang nawala na si ana ay hindi iyon kinaya ni rex at sinisisi niya ang sarili niya.. ang maganda lang ay mabait ang mga magulang ni ana at kinocomfort nila si rex na hindi siya ang may kasalanan ng lahat."

Napayuko ako bigla.. naaawa ako sa masalimuot na nangyari kay rex.

"simula noon, ayan na si rex.. basagulero na at wala nang pakialam pa kung sino ang bubugbugin niya."-pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

"at ng mapulot ni rex ang kwintas ni mika, He just remembered ana to her.. pero malayong malayo ang kanilang paguugali.. sobrang layo.."-pagkatapos ay binalik niya ulit ang tingin sa may naglalaro ng soccer.

She Changed Book 1 (Finished) Book 2 (On Going Series) :)Where stories live. Discover now