"What?" aniyang nakakunot ang noo.

"N-nothing" sabi ko na lamang na tahimik na pumasok sa kwarto.

" Don't expect na matutulog ako sa labas, i'll sleep here too" aniyang nilagpasan ako.

Di ako umimik at dumiretso sa banyo, siya rin ay lumabas saglit siguro para magsepilyo sa labas. Rinig ko ang pagbalik nito uli sa kwarto. Nagtagal ako sa loob, ipinapanalangin ko na sana tulog na ito paglabas ko.


Paglabas ko nga ay nakahiga na ito at nakatagilid sa kabilang parte ng kama, pagod din ako at di nakatulog kagabi kaya gusto ko na ring humiga. Dahan dahan akong humiga sa kama at humila ng kaunti sa comforter at tumagilid rin.

Kahit na antok na anotk ako ay pinakiramdaman ko ito ngunit parang tulog na rin siya kaya napapikit na rin ako. Papaantok na ako ng umalog ng bahagya ang kama, ramdam ko ang comforter na gumalaw na tumakip sa kalahati ng katawan ko. akala ko ba tulog na ito?

Di ako kumilos at pigil ang kahit ang paghinga ko, pinanindigan ko na tulog na tulog na ako. Bahagya itong lumapit ng kaunti sa akin mula sa likod ko at dumantay ang kamay sa bandang tiyan ko. Lalo akong kinabahan. di naman siguro ako gagapangin nito! ramdam ko rin ang paghinga nito sa ulunan ko.

Lalo akong di nakakilos, sa bigat ng kamay nito ay kaunting galaw ko lang ay malalaman nito na nagkukunwari akong tulog. Lumapit pa ito ng kaunti, at nang aakma na sana akong kikilos at aalma sa gagawin nito ay saka ko naman siya narinig na humilik na, tulog ba ito o nanaginip lang?

Napagpasyahan kong hayaan na lang muna at tatanggalin ko na lamang ang pagkakadantay pag tulog na tulog na siya, hanggang kahit ang mga mata ko at bumibigat na rin ang pakiramdam.

Nagising akong mag isa sa kama.

Paglabas ko ng kwarto ay nakaaayos na ang mga gamit namin.

"Mag almusal na tayo , then we'll go home" sabi nitong itinuturo ang mesa na malamang nag pa room service na lang. Sumulyap ako sa orasan at halos pasado alas diyes na at mukhang di pa rin nababawasan ang pagkain sa mesa.

Home. This the reality. Napabuntong hininga ako.

"Di ka pa kumain?" tanong ko habang nagsasalin ng juice para sa aming dalawa.

"I waited for you" simpleng sagot nito.

Tumango lang ako.

_

Malaki ang condominium unit niya na nasa pent house. Medyo maluwag ang living room, at sa kitchen. Halos kulay abo ang mga gamit ngunit mga moderno naman ito, typical bachelor's pad. Malinis rin at organized ang mga gamit. May pag ka OC siguro!

"Take your things upstairs" sabi nito kaya kinuha ko ang mga gamit kong sumunod sakanya. Alam kong ang ibang gamit ko ay naandito na, inayos na ni Tita Maricar bago pa ako nakalipat.

Pinagbuksan ako ng kwarto, pansin kong maluwag ang kwarto nitong may isang malaking kama sa gitna at sofa sa gilid at study table at dresser na malaki rin. Sinilip ko ang pintuan sa dulo ay banyo yun at sa kabila at bihisan at mga closet. Pansin kong naandon na rin nakaayos ang ibang mga gamit ko ngunit pansin ko rin sa kabilang closet ay ang gamit ni Jax.

"J-jax, bakit naandito ang ilang gamit mo?" tanong kong kinukumpirma ang nasa isip ko.

"Why? what's wrong? maluwag naman ang closet , kasya diyan kahit apat na tao ang maglalagay ng gamit." paliwanag nito.

"Dito ka rin magbibihis?" tanong kong muli.

"Of course, this is my room" sagot nitong nakakunot ang noo.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum