"We'll go together, then ihahatid kita pauwi" sabi nitong hinila ang kamay ko.

Hinigit ko ito sa gilid ng malapit na kami sa lift pababa.

"Jax can i ask you a favor, can you please not tell yaya about this?....this,... this marriage na kaya ako magpapakasal because of her" pakiusap ko.

Di ito umimik at tinitigan lamang ako.

"I don't want her to feel guilty, I don't want her to get stressed, kakausapin ko rin si Tita Maricar about this, pagbalik nila" sabi kong tumitig rin.

Nakiusap akong muli.

"Please Jax..." sabi kong humawak sa isang braso nito.

Bumuntong hininga siya at tumango.

"Okay, pero there's no point of hiding, may problema ka rin sa kumpanya ng parents mo, so hindi naman siya ang main reason" seryosong sabi nito.

"Kahit na, basta wag mong sasabihin" sabi kong nakikiusap dito.

"It's up to you, by the way ako na ang magbabayad ng hospital bills ni Yaya Lusing, habang nilalakad pa ang pagtransfer sayo ngshares mo, medyo matagal ang pagprocess ng liquidation ng shares mo" ani nito.

Tumango na lamang ako, wala naman akong choice, ito na ang buhay na nagiintay sa akin.

Kumain kami sa isang restoran sa isang hotel na katabi ng mall.

Kahit nakakahiya sa suot ko, sumunod na lamang din ako uli

-

"Ya!" sabi ko pagpasok sa loob ng kwarto ni Yaya Lusing.

" Mara anak..." aniyang lumingon di sa likuran ko na nakasunod si Jax.

"Jax..."

Ngumiti naman si Jax.

"Kamusta na po ya?" sabi kong umupo sa gilid nito.

"Maayos naman ako, ikaw kamusta ka na? pasensiya ka na anak, mesyo malaki ata ang magagastos mo kasi naman itong si vivian malapit na ring manganak" sabi nito.

"Wala po yun, ang importante gumaling kayo" ngiti ko.

"Papaano ka nga pala mamya? wala kang kasama sa bahay?"

"Okay lang po ya, matanda na po ako eh" natatawa kong sagot.

"She'll stay in our house 'ya" sabat naman ni Jax.

"What?" sabi kong pinanlakihan ito ng mata.

"You'll stay sa bahay di ba? napagusapan na natin ito kanina?" sabi nito na ang tinutukoy malamang ay kapalit nito ang pabor na hiningi ko.

"Maigi pa nga Mara, mas mapapanatag ako kung doon ka muna sa bahay nila Maricar"

Nagtagal pa kami ng kaunti, at halos maghahapon na ng pauwi kami.

" Jax, pwede mo naman akong iwanan sa bahay na lang, naandon si Mang Nestor" na ang tinutukoy ko ang driver.

"No, Yaya's right,wala kang kasama doon, ihahatid kita sainyo para kumuha lang ng gamit mo"

Wala akong magawa kundi sumunod.

_

Dumiretso ako sa kwarto ko sa bahay nila, nilagpasan ko ang kwarto ni Jake, lahat ng sulok ng bahay nila ay nagpapaalala kay Jake.

Di rin ako masyadong makatulog maigi na lamang at wala akong pasok kinabukasan. Lumabas ako kahit madilim ay aninag ko ang loob ng bahay nila na naggagaling sa ilaw mula sa labas. Naglakad ako mula sa lanai nila hanggang sa likod kung saan may nakatayong treehouse doon. Napaupo ako sa isang bangko at tinitigan ito. Naalala kong madalas kaming maglaro noon doon, yun ay nung panahong hindi pa masyadong masungit si Jax.

Scent of Heaven (Jax and Mara )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz