S4 - #DKBMPagluluksa

Start from the beginning
                                    

"Ate sino naman ang pwedeng mamatay para sa akin at ibigay ang puso niya? Ate sa mga pelikula lang nangyayari yon. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Pero ito na yung realidad at tanggap ko na. So please don't be sad. Dahil kapag naging angel ako unlimited akong nasa tabi mo. But one thing I wanted to ask you, patawarin mo na si Mommy. Nagawa niya lang yon dahil sa akin, kaya dapat sa akin ka magalit hindi sa kanya." paliwanag ni Rj sa kapatid niya.

"Wala ka namang kasalanan e. Saka kung anuman yung nangyari noon, wala na yun sa akin. Ang importante yung oras na meron pa tayo ngayon." pigil ang luha ni Sarah habang sinasalita ang mga salitang iyon. "At don sa pabor mo, Rj susubukan ko, para sayo." Sarah says at tuluyan ng bumuhos ang luhang kanina niya pa pinipigil. Masakit para kay Sarah ang mawawala na ang kapatid niya, wala siyang magawa para dugtungan pa ang buhay ng kapatid.

✖✖✖✖✖

Sobrang saya ng magkasintahan, pumasok sila sa isang kainan nang makaramdam sila ng gutom.

"Anong gustong kainin ng Hart ko at ng Baby ko?" lambing ni Althea habang nakahawak ito sa kamay ni Jade.

"Gusto ko yung pares at sinangag kami ni Baby." ang sabi ni Jade na nakangiti pa kay Althea.

"Okay, umupo ka nalang dito at hintayin mo ako. I love you." kinikilig nitong sabi.

"I love you too. Sige na hart order ka na gutom na kami ni Baby." ang sabi ni Jade, abot tenga naman ang ngiti ni Althea ng mag i love you too si Jade.

Parang ayaw nang iwan ni Althea si Jade, ngunit kailangan na nitong omorder ng kakainin nila. Kaya habang nasa counter panay ang sulyap ni Althea kay Jade at panay ang ngitian nila.

Habang sa labas ng kaininan may nagkakagulo, nakipag agawan ng baril ang isang lalaki sa guardya. Napaputok ng baril ang lalaki ng makuha nito ang baril sa guardya at sa hindi inaasahan tinamaan si Jade na tumagos sa tiyan nito.

Kitang kita ni Althea ang pagtagos ng bala sa katawan ni Jade, ang huling nakita nito kay Jade ay ang mga ngiti nito at ang pagbigas ng salitang I LOVE YOU. Dali dali siyang tumakbo kay Jade, humingi siya ng tulong sa mga taong nasa paligid niya para madala ito sa hospital.

Nanginginig ang tuhod ni Althea sa takot sa mga nakita niya she couldn't even imagine na ang masayang pagbabalikan nila ay mauuwi sa trahedya. Parang sinasaksak ang puso niya, at pinipiga ito dahilan para pahirapan siyang huminga. She keep on praying "Dyos ko parang awa mo na wag niyong kunin ang taong pinakamamahal ko. I need her I need her in my life. Gusto ko pa pong bumawi sa kanya sa mga pagkukulang ko, please give me another chance. I'm begging you Lord wag niyo pong hayaan na may mangyaring masama sa mag ina ko. Hindi ko po kakayanin, I swear!"

Hanggang sa dumating ang pamilya ni Jade, panay ang tanong ng mga ito sa kung anong nangyari pero hindi siya makasagot.

Hanggang sa lumapit ang Doctor sa kanila, agad siyang tumayo at hinarap ito.

"Doc kamusta po ang anak namin? Ligtas na po ba siya?" tanong ng Tatay ni Jade.

"I'm sorry Sir hindi na po namin nailigtas ang anak niyo. Marami na pong nawalang dugo sa kanya dahil sa pagtagos ng bala sa tiyan niya. I'm really sorry po." ang sabi ng Doctor sa kanila. Naglupasay sa pag iyak ang Nanay ni Jade dahil sa sinabi ng Doctor kaya't si Althea hindi matanggap ang sinabi nito.

"No! It can't be! Gumawa kayo ng paraan! Hindi siya pwedeng mamatay! Kaya kong magbayad kahit magkano gawin niyo lang lahat ng kaya niyong gawin Doc!" galit na sabi ni Althea.

"I'm so sorry wala na po siya, i have the waver here kasulatan po yan ng pagpapahintulot na pwede niyong idonate ang healthy organ ng pasyente. Namatay man po ang anak niyo pero pwede nitong madugtungan ang buhay ng ibang tao." sabay abot ng papel sa Tatay ni Jade. Galit na galit si Althea at hindi niya matanggap na wala na si Jade kaya agad niya itong pinuntahan.

She saw the lifeless body of the woman she loves. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya, she held her hand at malamig na ito sing lamig ng nararamdaman niya ngayon. She squeezed her hand and says "Jade bakit? Bakit mo ko iniwan? Jade bakit ganito? Kung kailan tayo magsisimula ulit saka pa nangyari to. Jade bumalik ka I'm begging you please, I need you Jade. Wake up hart wake up! Please! Jade hindi ka pwedeng mawala please stay with me, Jade! Jade!" sigaw siya ng sigaw ngunit hindi na siya naririnig nito.

Hinang hina siya she doesn't even know how is to live without Jade. Hindi magsink in na sa utak ni Althea ang mga nangyayari, dahil kanina lang ay masayang masaya sila. At nakatimo pa rin sa isip niya ang mga ngiti ni Jade, hindi niya matanggap na isang malamig na bangkay na ang kasintahang kanina lang ay kapalitan niya ng I LOVE YOU.

Wala na sa katinuan si Althea, gusto niyang balikan ang taong pumatay sa taong mahal niya. Galit na galit siya at pinagsusuntok ang pader, tumakbo siya at siya saw a chapel sa loob ng hospital at don niya linabas ang galit niya.

"Bakit?! Bakit si Jade pa? Bakit kung kailan handa na akong panindigan siya saka mo pa siya binawi sa akin! Ngayon lang ako gumawa ng desisyon para sa sarili ko, ngayon lang ako naging masaya! Bakit hinayaan mong mangyari to! Bakit!" nagwawala nitong sabi at pinagtitinginan siya ng mga taong dumadaan.

The day na akala niyang simula ng pagbabago sa buhay niya kasama si Jade, became her worst nightmare. The moment she have been with Jade just became a painful memory.

She lost the woman she loves.

"Why you took the only person who made me whole? You also took my whole life! How can you be this selfish?! How! Why her? Bakit si Jade! Ang daming hayop na nilalang sa mundo! Bakit ang babaeng minahal ko pa? Bakit? Answer me damn it! She's the only one I have! She's the only one I want! Are you punishing me?! Pero bakit siya pa ang kinuha mo?! Sana ako nalang! Ako nalang!" sigaw niya, napaluhod si Althea at umiyak.

Nakita siya ng pamilya niya they trying to help her to get up but she has no strength anymore.

She just cried and wished that everything was a dream, na magigising siya at muling babalik sa normal ang lahat.

But that never happened ...

The day Jade left her was also the day she left the will to live anymore..

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now