S4 - #DKBMPagluluksa

Start from the beginning
                                    

"So ibig bang sabihin nito, tayo na ulit? For real?" naka ngiti niyang tanong.

"Oo tayo na ulit. For real. Hindi ko na kayang tiisin ang taong nagmahal sa akin ng totoo. Kaya simula ngayon babalik na tayo sa dati, I'm so sorry for everything Hart." she said at dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya at hinalikan si Jade. Halik ng paghingi ng tawad, at pagmamahal.

Pinutol ni Jade ang halikan nila ni Althea dahil may isang bagay na dapat ipagtapat si Jade sa kasintahan.

"Pero hart, may dapat kang malaman. And I want to be honest with you. May ipagtatapat ako sayo, ayokong ilihim 'to kaya kung ano man ang maging disesyon mo, tatanggapin ko ng maluwag sa loob." ang sabi ni Jade at kinakabahan siya dahil baka hindi siya tanggapin ni Althea.

"Jade kung ano man yan handa akong tanggapin ka, kagaya ng pagtanggap mo sa akin." she cheerfully says.

Jade take a deep breath before she confess. "I'm pregnant, at alam mo kung sino ang ama ng batang dinadala ko." ang sabi ni Jade, nagulat naman si Althea sa sinabi nito kaya hindi ito makapagsalita agad. "I'm so sorry Althea, hindi naman 'to mangyayari kung ----" pinigil ni Althea ang pagsasalita ni Jade gamit ang daliri niya.

"It's doesn't matter kung si Jayson ang ama ng dinadala mo Jade, inayawan ka na niya. So I am willing to take all of the responsibility to you and to your baby. Jade it's a blessing dahil magiging pamilya na tayo." natutuwang sabi ni Althea, nagulat naman si Jade sa reaksyon nito. Ang buong akala niya hindi siya tatanggapin ni Althea, but then masaya ito sa ipinagtapat niya.

Kaya hindi maiwasan ni Jade ang maiyak sa tuwa. "Thank you so much Hart, sobrang saya ko sa reaksyon mo. I love you I love you I love you so much. " ang sabi nito at yinakap ng mahigpit si Althea.

"Jade kahit ano pa yan tatanggapin ko. Ganun kita kamahal. Kaya pinapangako ko sa araw na 'to magiging mabuting partner at Mommy ako sa anak natin at sayo. Magsisimula tayo bilang isang pamilya, pangako ko sa inyo ng baby natin." maluluhang sabi nito at lumuhod ito sa harap ni Jade at kinausap ang baby sa tiyan nito. "Anak I'm your Mommy Althea, I am so happy to have you and your Mommy Jade. Hinding hindi ko kayo pababayaan ng Mommy mo, kaya anak wag mo pahirapan si Mommy Jade ah? Behave ka lang dyan, see you after nine months. I love you anak." ang sabi nito at tuwang tuwa naman si Jade sa pakikipag usap ni Althea sa batang nasa sinapupunan niya.

✖✖✖✖

Pagdating na pagdating ni Sarah sa hospital, dali dali nitong tinunguhan ang kwarto kong nasaan ang kanyang kapatid.

"Rj." ang bati nito at umupo sa tabi ng kapatid niya. Rj gives a sweet smile to her Ate even she looks weak.

"Ate, I'm glad you're here." Rj said at hinawakan ang kamay ng kapatid. Pinipigil naman ni Sarah ang sarili na wag maiyak dahil nakikita niyang hinang hina na ang kapatid.

"Matitiis ba naman kita? Kamusta pakiramdam mo?" tanong nito at hinahaplos ang kamay ng kapatid.

"Ito I'm getting weak, hagdan na nga lang at puting ilaw ang hinihintay ko. But before that, I want to spend a quality time with my Ate para naman kapag natulog ako, kasama pa rin kita sa panaginip ko. I miss you so much Ate, kung maibabalik ko lang yung time na pwede pa nating gawin yung mga ginagawa natin dati ibabalik ko. Kasi alam kong malungkot ka nung panahong wala ako sa tabi mo." Rj says at masaya siyang makasama pa ang kapatid.

"Ano ka ba wag mo ngang isipin yan, mabubuhay ka pa. Wag kang sumuko. Pwede pa nating gawin yung mga bagay na hindi natin nagawa dati. Stay strong Rj makakahanap din tayo ng heart donor. Wag kang mawalan ng pag asa." ang sabi ni Sarah sa kapatid.

Dapat Ka Bang Mahalin? (COMPLETED)Where stories live. Discover now