Chapter 13- Miss Campus 2016 (part 2)

Start from the beginning
                                    

"Fenech andito ka na pala." Sabi ni Kisses sabay abot ng pagkain namin. Oo namin, mahilig kasing bumili ng napakaraming pagkain si Kisses. Talagang sinusobrahan niya.

"Girls tara nuod tayo game nila Aizan. I heard ang gagaling daw ng kalaban nila ngayon at take note marami ding papables dun." sabi ni Fenech.

"Tara Ate May ng masuportahan ko si Marco." excited na sabi ni Kisses.

Tatanggi na sana ako ng itayo nila akong dalawa.

"Alalayan ka nalang namin. Pfft! Ang bait talaga namin sa pilantod!" Tatawa-tawang sabi ni Fenech.

Natagalan bago kami umabot ng gym. Halos mapuno na ang gym sa dami ng manunuod.

"Girl doon tayo malapit..para masilayan ko agad si Aizan my love."

Kanina pa nag-umpisa ang laro halos pantay lamang ang puntos ng magkabilaang team.

"Seryoso ni Papa E talaga ate May pati din si Marco." Sabi ni Kisses. "Ate May di ba si Paulo 'yon." Turo ni Kisses sa lalaking mahigpit na binabantayan ni Edwardo.

Tumingin sa may gawi namin si Paulo at kumindat ito. Awtimatikong napatingin ako kay Edwardong salubong ang kilay na tumingin din sa'min.

"Kyahh ate May nakita mo 'yon. Omg! Kinindatan ka niya."

"Sinong Paulo?"usisa ni Fenech.

"Iyong number 12 girl. Binuhat niya ate May kanina."

Hindi ko na sila pinansin at itinuon ko nalang ang mga mata ko sa laro.

"Prrt! Foul number 11.. Barber." Pito ni referee kay Dong.

Hala? Ngayon lang nafoul si Edwardo ah. Nagtaas ng kamay si Edwardo.

Lumipas ang ilang minuto nakatatlong foul si Edwardo.

"Ano bang nangyayari kay papa E? Buti nalang nandiyan si Christian." sabi ni Kisses.

Baka.. baka masama pakiramdam ni Edwardo ang pula kasi ng mukha niya. At halos mag-abutan pa rin mga kilay nito.

Natapos ang laro. Panalo siyempre ang team namin. Isang puntos lamang ang lamang ng team namin sa kabilang team.

"Tara girls..batiin natin sila." yaya ni Fenech.

Inalalayan ulit nila ako at bumaba kami para lumapit sa nanalong team.

"Aizan congrats sa inyo."Fenech.

"Hu! Si Aizan lang talaga pinunta mo dito insan!" Yong said.

"Guys congrats."bati ni Kisses.

"Oh may pilay pala kayong kasama." Si Marco the epal. "Mayang anong nangyari sayo? Ganyan na ba uso ngayon. Pfft!" Tawa-tawang dagdag nito.

"Oo..halika pilayan din kita para masaya."

Hinanap ng mata ko si Edwardo.

"Edwardo!" Malakas na tawag ko dito.

Deadma.. mahilig talaga siyang magdeadma. Bumitaw ako sa pagkakahawak ng dalawa kong kaibigan at iika-ikang lumapit dito.

Ilang hakbangan na sana ng may humara sa dinaraan ko.

"Dale san ka punta? Hatid kita." Nakangiting alok ni Paulo.

"Ah hindi na..diyan lang ako."tanggi ko.

Kaso hindi niya ako pinansin bagkus hinawakan pa kamay ko para alalayan.

"Eh?" Napakamot ako ng ulo.

"Marydale.."

"Edwardo!" Masayang tawag ko sa biglang sulpot na binata sa harapan ko.

"What happened to your feet?" Nag-alalang tanong ni Edwardo sabay upo para tignan ang paa kong may paltos.

"Iyong pageant kasing 'yon Edong ang daming arte. Aba pinaglakad kami sa buong campus! Daig pa namin si mayor!" Sumbong ko dito.

"Pfft!" -Paulo.

"Tsk!" -Edwardo.

"Dale hatid na kita tara." Yaya ni Paulo.

"Dale??" Kunot-noong tanong ni Edwardo, tumingin pa ito sa'kin.

"Eh kuya Paulo teka.."

Hinila na ako ni Paulo pero maagap namang pinigilan ni Edwardo.

"Who you? Who told you that she's coming with you?" Walang emosyong tanong ni Edward kay Paulo.

"Chill pare.. gusto ko lang makilala at makasama si Dale. Boyfriend ka ba niya?" Cool na sabi ni Paulo.

"She's my girlfriend."

Girlfriend ako?? Woah pakisampal mga mukha niyo mga readers! Magpapafiesta ako nito! Yeboi!

"I thought.."

"Back off!" Putol ni Edward dito. "Pangit tara sampa ka sa likod ko. Hatid na kita." Baling ni Edwardo sa'kin.

Hayan na naman siya sa kapapangit niya!

"Maganda ako Dong! Hmp!" Singhal ko dito. Tumalikod ito at umupo ng bahagya.

"Sampa na."

Sumampa na ako sa likuran niya.

"Bango mo pa rin Edwardo kahit puro pawis ka." Puna ko sabay amoy sa balikat at buhok nito.

"Tsk!"

Nag-umpisa na itong maglakad palabas ng gym habang naka-piggy back ride ako sa kanya.

Halos magsitingian lahat ng mga tao sa'min.

"Pangit.. ang sama ng tingin nila sa'kin."

"Don't mind them Marydale."

"Edwardo 'yong kanina. Truelalo ba 'yon? Gf mo na ako?" nahihiyang tanong ko dito.

"Tsk! Na..natuwa ka naman. Don't take it seriously. Ayoko lang ng hilatsa ng pagmumukha ng lalaking 'yon!" May galit na tono ng pananalita nito.

"Ayee selos ka lang ata Dong eh." Biro ko.

"Of course not!" Singhal nito.

Sungit! Di hindi!

"Edwardo huwag na tayong sumakay sa kotse mo. Malapit lang naman apartment namin dito sayang lang gas mo."

"Tsk! Nawiwili ka lang kamo na sumakay sa likod ko. Tsk!"

Napangiti nalang ako ng tinahak namin ang daang palabas ng gate.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Where stories live. Discover now