Chapter 13- Miss Campus 2016 (part 2)

Start from the beginning
                                    

"Are you okay Miss?" Tanong ng nakasalo sa'kin.

Tumango lang ako at napangiwi ng maramdaman ko ang hapdi ulit sa may paa ko.

"I'm sorry..di ko sinasadyang mabangga ka. Someone push me." hingi niya ng paumanhin.

Ah siya rin pala nakabangga sa'kin. Hawak pa rin niya ako. Nasa may likod ko ang kamay nito bilang pagsuporta sa'kin.

"Ate May okay ka lang. Kaya mo pa bang maglakad." Nag-aalalang tanong ni Kisses.

Iling at tango ginawa ko.

"ah..o..okay lang ako. Salamat mister. Pwede mo na akong bitiwan."

Bumitaw naman ito sa'kin pero nanatili pa rin ang mga tingin sa'kin. Lumapit naman agad si Kisses sa'kin kaya napahawak ako dito.

"Miguel Paulo Angeles.."

Naglahad ito ng kamay.

"Huh??"

"You can call me Paulo. Marydale right?" Nakangiting sabi nito.

*kamot-ulo*

Kinuha nito kamay ko at nakipaghandshake sa'kin.

"Nice meeting you Dale.. I will call you Dale." Sabi ulit ni Paulo.

Tumango nalang ako dito at tinalikuran ito. Gusto ko ng maupo..kanina ko pa gustong maupo. Wala akong time makipagchikahan dahil hindi 'yon ang pinunta ko dito.

Iikang-ikang lumakad ako. Wala pa akong limang hakbang ng umangat mga paa ko sa sahig.

"Oh teka.."

"Ang gaan mo naman. Kumakain ka ba?" Nakangiting komento ni Paulo. "Saan banda ba kayo pwepwesto?"

"Ayee ang sweet niyo ate. Hala ka nagtataksil ka na kay papa E." Kinikilig na sabi ni Kisses.

"Oi ibaba muna ako kuya. Dun lang naman kami. Kaya ko na." Turo sa bakanteng upuan.

"Okay." Tipid na sagot nito.

Akala ko ibababa na niya ako pero nanlaki mga mata ko ng nagtuloy lang ito naglakad. Lahat tuloy nasa canteen napapatingin na sa'min.

Nakakahiya ginagawa ni Kuya.

"You need something?" Tanong nito ng maibaba ako.

Umiling ako at bahagyang ngumiti.

"Ate ako na kukuha pagkain natin." sabi ni Kisses. Tumalikod na ito at naglakad sa may counter.

"Sorry ulit Dale, can we.."

"Paulo pare..kanina pa ka namin hinahanap magsisimula na ang game." biglang sulpot ng matangkad na lalaki na nakasuot ng jersey. Tinignan ko ang nakasulat sa harap ng damit nito.

Ah sa ibang school pala sila. Kaya ngayon ko lang siya nakita. May laban sila Edwardo ngayon. *tango-tango*

"Dale maiwanan muna kita. Sana magkita ulit tayo mamaya." Nakangiting sabi nito sabay hawak sa likod ng ulo nito.

"Dude maya ka na manligaw" pang-aasar ng kasama nito.

"Gago! Bye Dale.. tara Luke."

Hay buti naman nawala na sila sa paningin ko.

"Hello girl. Anyare sayo?" Tanong ng kararating lamang si Fenech.

"Nakipagmarathon ako girl." sagot ko.

MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Where stories live. Discover now