27: The Wedding

7K 165 2
                                    

MIGUEL's POV

Nakatayo sa isang simbahan na akala ko ay di ko matatapakan. Nakikita ko ang lahat ng taong nasa loob na nagkakatuwaan at nagkakasayahan, habang ako ay narito sa may malapit sa pinto at tinatanong ang sarili ko kung tutuloy ba akong papasok o tatakbo palabas?

Ramdam ko ang ngiting nakapinta sa mukha ni Lolo. Si Papa naman ay nasa katabi nito at malapad rin na ngiti ang binigay sa akin. Nilibot ko ang aking paningin sa loob at sa mga taong nakikita ko. Most of them are into business at kamag-anak nina Brenna.

Nakita kong nasa may unahan sina Bruce, Angelo at Stephanie. Si Stephanie na halos di makapaniwala na ikakasal na ako habang ang dalawang lalaki ay parehong nag-iisip kung ano ang iniisip ko.

The two know how much I hate this wedding.

"Here comes the Bride" - isang nasa may edad na babae ang aking narinig nang inanunsiyo niyang dumating na Si Brenna.

Walang kaba kung tiningnan ang bridal car kung saan lulan Si Brenna. Kinapa ko ang sarili habang tinitiningnan siyang kina congratulates ng ibang tao even my Dad and my Grand.

The bell rang.

Kaya ginaya ko na ang sarili kong pumasok sa loob. Sabay akong inakbayan ng dalawang kaibigan.

"Are you sure about this?" Ani ni Angelo sa akin.

Tiningnan ko na lang siya at hindi na nagsalita pa. Siniko nlang ako ni Bruce na alam na kung ano ang nararamdaman ko. Pareho silang nalungkot sa kinakaharap ko ngayon.

Ayaw kong mawala sa akin ang kompanya. At ang babaeng dapat na sana ay pakakasalan ko ay hindi ako mahal at pinapalayo ako. Ang babaeng magbibigay sa akin ng buong pamilya ay parang may mahal ng iba.

Sige sa ngayon, parang inaamin ko na na nanalo na si Lolo. Parang sumusuko na ako.

Nagsimula na ang lahat. Dinig na dinig ko na ang wedding march na piniplay sa buong simbahan na parang nakakabinging pakinggan, nakita ko kung paano bumukas ang pinto ng simbahan at iniluwa rito si Brenna.

Aaminin ko Brenna is such a kind lady, beautiful, at kahit sinong lalaki magkakagusto dito pero kahit anong gawin ko- di ko siya matutunang mahalin. Dahan-dahan siyang lumakad na halos lahat ng tingin ng mga tao ay nasa gawi niya at ganoon rin ako.

She saw me and smiled at me.

Wala akong reaction.

Hanggang sa nalaman ko na lang na kapwa na kami nasa harapan ng Pari na nagsisimula na sa pagbabasa. Nangangatog ang tuhod ko, hindi ko alam. Inilipat ko ang tingin kay Brenna na titig na titig sa Pari na may binabasa.

"Will you, GROOM, cherish BRIDE as your lawful wedded wfie, protecting her, and tending to her needs through illness and disappointment?" simula ng Pari.

"Will you strive to understand her, giving her comfort when she seeks it from you? Will you try never to say in anger that which you wouldn't say in friendship? And when each night comes, will you go to sleep with thanks for her presence at your side and renewed love for her in your heart?

Mabilis akong nakasagot. "I will"

Ibinaling ng Pari ang tingin niya kay Brenna.

"Will you, BRIDE, cherish GROOM as your lawful wedded husband, protecting him, and tending to his needs through illness and disappointment?

"Will you strive to understand him, giving him comfort when he seeks it from you? Will you try never to say in anger that which you wouldn't say in friendship? And when each night comes, will you go to sleep with thanks for his presence at your side and renewed love for his in your heart?"

"I will" ani ni Brenna na nakangiti.

"Do you, BRIDE welcome GROOM as your husband, offering him your love and encouragement, your trust and respect, as together you create your future ?"

Brenna says, "I do"

"Do you, GROOM, welcome BRIDE as your wife, offering her your love and encouragement, your trust and respect, as together you create your future?"

Nag-isip ako ng isang saglit dahilan na napalingon si Brenna sa akin at pati ang lahat. Narinig kong inulit ng Pari ang kanyang sinabi.

Nang biglang sumulpot si Angelo sa akin at binulungan ako.

"What?" - halos nanlaki ang aking mata sa binulong niya.

Agad kong binaling ang aking paningin kay Brenna na parang maluha-luha na.

"Sorry Brenna, but I can't marry you. I am sorry"

Mabilis akong tumakbo palabas ng simbahan at pati ang Papa at Lolo ko ay sinisigawan akong bumalik.

Sumunod sa akin ang tatlong kaibigan sa kung saan ako patutungo.


Geneva- The BabyMakerWhere stories live. Discover now