20: The Revelation

7.3K 185 1
                                    

MIGUEL's POV

Kuyom ang aking kaliwang kamay habang dinig na dinig ko mula saSenior ang pagdadalang-tao niya. Paano niya ito nagawang ilihim sa akin. Ako pa na ako ang ama ng batang dinadala niya. Halos di ako makapaniwala nang sabihin iyon sa publiko ng Senior.

Ewan ko ba, pero pagkarinig ko niyon ay parang gusto kong tumalon sa tuwa at parang gusto kong sabihin sa lahat na magiging Daddy na ako dahil ako ang ama ng bata.

Nakita kong tumakbong palayo si Geneva kaya mabilis akong nakapagpaalam kay Stephanie na may pupuntahan ako.

Naglulong siya sa loob ng girls' restroom kung kaya't kailangan ko pang maghintay kung saan siya lalabas dahil hindi ako makakapasok sa loob. At kahit gugustuhin ko man itong pasukin ay ayokong may taong makakita sa akin at baka ano pa ang isipin.

Lumabas siya sa wakas na mugto ang mga mata, dali ko siyang hinila sa isang kwarto at pinapasok sa loob. "Explain me everything Geneva"

Naglihis siya ng mga mata. Namumugto ito kaya alam kong galing ito sa pag-iyak. "Paano mo nagawang lihiman ako tungkol sa pagbubuntis mo?!"

"Nakuha mo na gusto mong malaman diba? Hindi ko ipagkakait sa iyo ang anak natin, kaya lubayan mo na ako. Hayaan mong ako ang mag-alaga sa bata."

Isang kasiyahan ang sumindot sa aking dibdib nang sabihin niya ang, anak natin.

Pinaharap ko siya sa akin. Ginalaw ko ang aking mga mata at nilakbay ko iyon sa kanyang mukha, ito ang mukhang nakita ko noong gabing iyon- puno ng kalungkutan at takot. Pumanaog iyon sa kanyang mga labi hanggang sa kanyang dibdib, hanggang sa napako sa akin ang kanyang tiyan.

She is pregnant. She is pregnant with my baby.

Akala ko parang wala lang ang isipin na gusto kong magkaanak dahil nga sa pagtratrap sa akin ni Lolo, na akala ko ay kaya kong bayaran lang ang bata at wala na, tapos na ang problema ko. But the idea that, i'll be daddy soon changed the whole thing. Parang excited na akong makita ang anak ko.

"Please, hayaan mo na ako." pagmamakaawa niya.

Tiningnan ko siya ulit. Nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha. Kirot sa puso ang naramdaman ko. Hindi ko kayang nakikita siyang umiiyak at nagmamakaawa sa harapan ko dahil nasasaktan ako.

"I will let you do anything you want Geneva, but for two conditions?" - wala akong ibang naisip na paraan.

Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Ano ang mga iyon?"

"Hayaan mong gawin ko ang karapatan ko sa bata," that's my first.

"And?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. Dahil alam kong hinding-hindi niya talaga ito magugustuhan. Sinundan niya ako ng tingin at nakipagtitigan sa akin.

"Marry me"

Lumaki ang kanyang mga mata sa sinabi ko. "Whaaaattttt?"


Geneva- The BabyMakerWhere stories live. Discover now