15: The Problem

8.2K 172 1
                                    

GENEVA's POV

"My god Zach, what should I do?"

Namromroblemang mukha ang nakita ko kay Zach nang sabihin ko sa kanya ang lahat ng nangyari kagabi. Kahit ngayon di pa rin ako makaisip ng paraan para makawala sa lalaking iyon.

Hindi ko talaga inaasahan na mahahanap niya ako. Isang buwan ko siyang pinagtaguan na akala ko ay wala lang at hindi na niya ako hahanapin pa but I was wrong, when Zach told me that he conducted an intensively haunting para makita lang ako.

At ngayon na nagtagpuan na niya ako ay mas lalong gumulo ang sitwasyon. Makukuha niya ang anak ko at nagbabanta siyang sasabihin pa sa Papa ko ang kaguluhang ginawa ko.

"Malaking problema na nga yan Gev" - narinig kong sabi nito.

Ilang beses akong huminga ng malalim sa kanyang harapan. "At ngayon, ay isasama niya pa si Papa. Natatakot akong malaman ni Papa ang ginawa ko."

"Paano kaya kung mangibang bansa ka ? Magpakalayo-layo ka?" ideya nito.

Saglit akong nag-isip sa sinabi niya. Kung lalayo ako alam kong mahahanap niya ako. Hindi lang siya pangkaraniwan na tao, kung nagawa niyang hanapin ako sa loob ng isang buwan na hindi man lang alam ang totoong pagkatao ko, nagyon pa kaya na alam na nya ang lahat sa akin?

Isa pa, ayokong iwan si Papa mag-isa. Natatakot ako na baka sa pag-alis ko ay lulubha na naman ang kanyang sakit at ayokong mangyari iyon.

"Ayokong iwanan si Papa" -

"You don't have a choice Gev, either makukuha niya ang bata sa iyo o malalaman ng Papa mo." Diretso siyang tumingin sa akin. "You have to choose now"

Ano na ngayon ang gagawin ko? Di ko naman gustong iwan si Papa at higit sa lahat di ko gustong malaman niya ang totoo at super mas lalong makuha niya sa akin ang anak ko. Hinding-hindi ko hahayaan na makuha niya sa akin ang bata.

"Wait- alam na ba niya na buntis ka? Did you mention it to him?" -

Umiling ako. "Hindi pa, at hinding-hindi ko sasabihin sa kanya na nagbunga ang nanyari sa amin. Magkamatayan man."

Dahil kung malaman niya ang totoo, mas magbibigay lang ito sa kanya ng dahilan para mas lalong makuha ang bata at bantaan ako sa lahat ng bagay kaya mabuti na rin ang ganitong pagsisinungaling ko.

"Good, hangga't di niya alam baka maisipan niya na iwan ka na lang dahil wala naman siyang napala sa iyo" -

Pero ang pinoproblema ko ngayon ay kasosyo na siya ni Papa sa trabaho kaya't kahit di ko man gusto siyang makita ay mangyayari pa rin iyon dahil sa bawat pagtawag ni Papa ng meeting ay alam kong expected ko na siyang makita.

Napansin nitong problemado talaga ito. "Shhh- tama na. So much for that. Basta ang importante ngayon, dapat malusog si baby at nasa mabuti siyang kalagayan. "

I smiled at the idea. Yeah. My baby is much more important than anything else.

"So ano pala ang ipapangalan mo sa kanya?" bigla niyang tanong sa akin.

Mabilis akong nag-isip. "Hmmm" at tumingin sa kanya. "Since, nandito ka sa akin at karamay ko- at kung babae ang baby, I'll be naming her Zachandria, para kabagay kayo." At tumawa ako dahil sa nakita kong ekspresyon sa kanyang mukha.

Gigil siyang nakatawa sa akin. "Uy, gusto ko yan .. pero paano kung lalaki?"

Nag-isip ako ulit. "Tristan?" di ko sure na sabi.

Nag-isip na naman siya ulit ng itatanong. "What if twins?"

"OMG Zach, tama na nga yan!"

Nagkatawanan na kami.


Geneva- The BabyMakerUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum