13: The Visit

7.9K 184 3
                                    

GENEVA's POV

Nang tumawag si Papa sa akin isang oras ang nakalipas ay di ko masabi ang kaba sa aking dibdib. Sobrang kaba ang naramdaman ko ng mismong sabihin niya sa akin sa telepono na may bagong kasosyo daw siya sa negosyo ngayon at isang meeting sa aming tatlo ang nakatakda sa aming tatlo ay mangyayari after my work.

Kaya halos nilipad ko na ang kotse ko pauwi ng bahay. Nadatnan kong nakaparada ang isang sasakyan na sa tingin ko ay nasa loob na ng mansion namin ang sinasabing tao ni Papa. Inipark ko saglit ang kotse at tuluyan ng pumasok ng bahay.

Nadatnan kong naghahanda ng makakain si Manang Fe sa hapag-kainan. Ngumiti ako sa kanya at ganoon rin siya sa akin.

"Miss Gev, sabi ng papa mo sa akin ay pagkarating mo raw ay magbihis ka na agad. Nasa kwarto silang dalawa ng papa mo"

Mabilis akong nagpaalam kay Manang at dali-daling pumasok sa kwarto at inihanda ang sarili para sa meeting mamaya at saglit ay nagbihis na kaagad.

Nagtaka ako bigla kung bakit di man lang sa labas gagawin ang meeting. Siguro ay masama ang kondisyon ni Papa kaya siguro nagdecide itong dito nalang gagawin ang pulong.

Inihanda ko na rin ang laptop ko para ma take-note lahat ng mga agreements na gagawin. Simula nang maging CEO ako sa kompanya ay nasanay na ako sa mga ganitong trabaho at sa 3 taon ko sa kompanya, marami na rin akong natutunan at natutunan kong hindi pala madali ang magpatakbo ng isang kompanya.

Isang katok ang nagpalabas sa akin mula sa kwarto. Katok ni Manang Fe na nagsasabing nasa sala na daw sina Papa at ang kasama nito kaya minabuti ko na rin na lumabas at pumanaog na.

Isang halakhakan ang narinig ko pagkababa ko pa lang. Nakita ko si Papa na nagpaskil ng ngiti pagkakita sa akin at ang lalaking nakatalikod.

"Oh she's here" sambit ni Papa ng makababa ako.

Saglit akong ngumiti kay Papa at nilingon ang lalaki ngunit ang ngiti ay napawi bigla nang makita ko ang lalaking ngayon ay kaharap ko na.

Hindi.

Hindi.

"Miguel, meet my daughter Geneva" - pakilala sa akin ni Papa sa lalaki.

Ni hindi talaga ako makakilos sa aking nakita. Muli kong nakita ang lalaking ito ngayon na maghahalos isang buwan ko ng pinagtataguan. Muli kong nakita ang lalaking isang gabing inangkin ang aking katawan at kaluluwa, ang lalaking binigyan ko ng lahat.

At ang lalaking ama ng batang dinadala ko.

Tumindig siya at inilahad ang kanyang kamay. "Nice to meet you Geneva"

Nanatili akong tulala sa kawalan. Titig na titig ako sa lalaki sa aking harapan dahil hindi ko talaga inaasahan na narito siya sa bahay ko ngayon at sa mismong harapan ko pa.

Narinig kong tumikhim si Papa. "Gev, are you okay?"

Bumalik ako sa katinoan. "Yeah I am okay .. " Kinuha ko ang kanyang kamay at nagpakilala. "Nice to meet you to Miguel"

Isang pilyong ngiti ang binigay niya sa akin. "I don't even know na may maganda ka pa lang anak Mr. Villaruel at sa tingin ko ay mabait rin"

Alam kong diin at iba ang pagkakahiwatig niya sa sinabi niya. May kahulugan ang mga ito dahil alam kong pinariringgan niya ako.

"She is indeed, siya lang naman ngayon ang nagpapatakbo sa kompanya ko na matagal ko nang inalagaan" dugtong ni Papa.

Tumingin muna siya sa akin at nginitian ako at pagkatapos ay tumingin kay Papa. "I see. I am amazed. Kakaunti lang ang mga babaeng may mga kayang gawin ang pagpapatakbo ng isang malaking kompanya. "

Tiningnan ko siya ng malalim at mariin. Sinusubukan talaga ko ng lalaking ito at kung akala niya ay masisindak ako ay pwes hindi. Mas lalo akong pumupursigido na gagawin ko ang lahat para makalayo lang sa kanya.

At ngayon na narito siya sa aking harapan ay nakahanda na ako sa mga bagay na gagawin niya. At kahit kailan ay di niya makukuha sa akin ang anak ko.


Geneva- The BabyMakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon