12: Search and Found

8.1K 200 1
                                    

MIGUEL's POV

Rumihestro sa aking paningin ang mukha ni Angelo nang binuksan niya ang pinto sa aking opisina. Nakangiti ito at ang mukha niya parang wala itong masyadong tulog- hindi maayos na pagkakasuklay ng buhok, naka jeans lang at naka t-shirt lang itong pumasok.

Ngumiti ako sa kanya bilang bati at siya naman ay nakita kong papunta sa couch na nasa loob ng aking office at nakatihayang umupo, kumuha ng isang female magazine at ininum ang kapeng inihanda ko ay dapat ay sa akin.

"What is with the early visit Angelo?"

Lumapit na rin ako sa kanya.

Nakita ko siyang uminom muna ang kape at ngumiti sa akin. "You don't want me here?"

I frowned. "Of course not. I just can't imagine you visiting here early here in my office.. wala ka bang pasok?"

He too is working on his Dad's company. Like me, workaholic rin ang taong ito but unlike me, he and his dad are very close at kami ni Dad, puro bangayan lang. Pero kahit gusto ko nang bumukod sa kanila at kumuha na lang ng sarili kong bahay ay di ko pa rin magawa dahil sila nalang dalawa ni Lolo ang natitira sa akin.

If I leave them two .. feeling ko napakasama ko ng tao. But sa ginagawa ngayon ni Lolo sa kin, sa tingin ko ay talagang magbubukod na akong mag-isa.

"I have, may dinaanan lang ako rito."

Tumango ako. "Okay, I knew it. The visit is your excuse para makita mo naman ulit ang secretary ko."

Tumawa siya. "Yeah, a little of that but the main reason why I'm here is a whole lot of you"

He likes my secretary Janine. As in really like but unfortunately Janine has a boyfriend already at balita ko ay ikakasal na siya rito. At di na ko magtataka na kung noon ay umaaligid-ligid ang mokong ito sa office ko buong araw at ngayon ay madalang na lang, ay dahil binalita ko na sa kanya na ang babaeng mahal niya ay ikakasal na.

And he was hurt and I saw it upon telling him. Gusto talaga niya ito since college pa kami. Janine is a smart student back in our college days and she was his ultimate crush. Kaya sobrang saya niya nang malamang nagtratrabaho sa akin ang babae.

"Me? Bakit?"

Inilapag niya ang magazine na hawak at seryosong tumingin sa akin. Idinako muna niya ang mukha sa labas at may hinahanap. "Janine is not on her desk, wala siya?"

Nagpakawala ako ng bagot na hininga. "It's her day-off today, balik ka na lang bukas. "

Umismid siya. "Sayang naman, i thought kompleto na araw ko"

Hindi talaga ako makapaniwala sa naririnig ko sa kanya. Hanggang ngayon, gusto pa rin niya ito. Ganito na ba talaga siya ka inlove rito at halos ipagsigawan ko na sa mukha niya na dapat humanap na siya nang iba dahil nga sa ikakasal na ang tao.

"Ano ba sasabihin mo sa akin?" -

Ngumiti siya ng diretso at hindi na nagpaligoy-ligoy na sinabi sa akin ang kanyang pakay. "I found her .. that Maribelle"

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. He found Maribelle? Walang paglagyan ang aking kasiyahan nang marinig ko ito mula sa kanya.

Kung gayon ay humanda na ang lolo dahil kakainin talaga niya ang arrangement niya sa pamilya nina Brenna.

"But, you don't want to know her Miguel. trust me"

Nalito ako sa sinabi niya. "Why who is she really?"

Dumiretso siya ng tingin sa akin. "She's the only daughter of Senior Eduardo Villaruel"

Gulat akong napanga-nga sa nalaman. Ni hindi ako makakilos at makaimik dahil sa narinig ko mula sa kaibigan. "She is?"

"Yeah, the one and only"

Geneva- The BabyMakerWhere stories live. Discover now