16: Stalking

7.5K 172 1
                                    

MIGUEL's POV

"Are you sure kailangan mong gawin ito Bru?"

"Bakit naman hindi, I need to know all the things she does Angelo."

Nasa loob kami ng isang mall habang nakabalot ang mga mata ng shades at nagprepretend na normal lang na bumibili pero ang apat na mata ay nasa dalawang babae lang na nasa di kalayuan at nagtatawanan pa.

Kung hindi ko gagawin ito, hindi ako makakahanap ng ebidensiya sa kanya. Kailangan kong malaman kung nagbunga ba ang nangyari sa amin dahil ito lang ang tanging alas ko para magtagumpay na balak para sa Lolo.

"What are you doing Gelo, halika ka na nga at baka mawala pa natin sila!"

Sabi ko kay Angelo na hindi na ginagawa ang sinasabi ko, nakita ko itong namimili na ng mga sapatos at wala na sa tabi ko. Halos hilain ko na siya dahil baka mawala na sina Geneva at wala na akong makuha sa kanya.

Nagreklamo na ito sa paghihila ko. "Easy Bru, sa pag sta-stalk mo parang sobra pa sa ginagawa kong pagsta-stalk ko sa secretary mo ah?"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "Importante itong ginagawa ko Gelo, yung ginagawa mo sa secretary ko pambata iyon at napaka-immature"

He rolled his eyes. "Okay, fine. Basta't pagkatapos nito ay libre mo ako ng snack at e-kumusta mo ako ni Janine".

"Janine is getting married Angelo, kaya please lubuyan mo na nga siya." paalala ko ulit sa kanya.

Natagpuan kong pumasok sina Geneva at ang kasama nito sa isang department store at tumungo sa mga shoes apparels. Mga babae talaga, halos taga araw-araw atang nag shoshopping.

Kaya dumiretso rin kami sa may mga pang-lalaking shoes na di kalayuan sa kung saan sila. Si Angelo naman, halos sinubukan lahat ang sapatos at noong may nagustuhan ay agad na tumakbo sa cashier.

"Angelo ..."

Tawag ko sa kanya. Baka makita si ni Geneva. Alam kong kilala ito ng babae dahil ito ang naghatid sa kanya sa restaurant.

Ngunit hindi niya ako narinig. "Angelo"

Nakita ko siyang nagsensiyas ng wait gesture kaya napilitin akong maghintay nalang sa kanya sa kung saan ako naroon. Tiningnan ko kung saan sina Geneva pero laking gulat ko na lang ng makita kong papunta rin sila sa cashier.

Shit.

Suminyas ako kay Angelo nang dali ngunit huli na ng magkabangga sila ng kasama ni Geneva. Mabilis akong tumungo sa kanya dahil baka ano pa ang sabihin niya sa akin.

Nakita kong nagulat si Geneva noong nakita ako at pati na si Angelo. Tama ako, nakikilala pa rin niya ito.

"Ano ang ginagawa mo rito? .. or shall I say are you stalking me?" palusot ko sa kanya. Na mabilis na sininyasan si Angelo sa ginagawa ko.

Lumuwa ang mga mata nito sa sinabi ko. "I am not that desperate Mr. Fortejo" tumingin ito sa kaibigan at hinila ito. "Let's go Zach, wala na akong ganang magshopping"

"Gev? Hey Gev?"

Isang boses ng lalaki ang nagpalingun sa amin lahat.


Geneva- The BabyMakerDove le storie prendono vita. Scoprilo ora