26: Presence

6.9K 145 0
                                    

GENEVA's POV

Nabigla ako ng makita kong nakaparada ang kanyang sasakyan sa may harap ng aming mansion. Nang makita ko ito ay di ko inaasahan ang itsura niya. Lumapit siya ng marahan sa akin at noong paglapit niya ay dali kong naamoy ang baho ng sigarilyo na gamit niya at amoy alak rin siya.

Kumot ang damit nito- pati ay buhok nito ay wala sa ayos, ang mga mata nito parang walang tulog. Yung tipong sobrang-iba ang nakikita ko sa kanya ngayon, kesa sa Miguel na parati kong nakikita na inaaway ako.

"Ano ginagawa mo rito?" mabilis kong tanong sa kanya.

Hindi siya sumagot kundi nanatili siyang nakatitig sa'kin.

"Go home, lasing ka. Wala akong panahon na makipag-away sa iyo."

Hindi pa rin siya umaalis. "Ano ba, umuwi ka na."

"I am getting married" yon yung unang nasabi niya.

Pero bakit hindi ko makita sa mata niya ang kasiyahan na iyon- dapat nga maging masaya siya dahil ikakasal siya pero bakit iba ang hatid niyon sa kanya. May dapat ba akong malaman?

"Yeah, I've heard" sagot ko. "Congrats!"

Nagsimula na akong humakbang papasok ng bahay, wala talaga ako sa mood na harapin siya ngayon. At wala talaga ako sa mood na makita siya pagkatapos nang ginawa niya sa akin?

Hindi pa ako nakakalayo ay mabilis niya akong napigilan sa kamay. "This is what you want right, now I am getting married masaya ka na?" diin ang pagkakahawak niyon.

"Nasasaktan ako, ano ba!" daing ko sa kanya pero di pa rin niya binitiwan ang kamay ko.

"Masaya ka bang nakikita akong ikasal sa iba ha, Geneva?" singhal niyang malakas.

Agad akong lumingon sa paligid at baka may makakita at marinig sa amin. Natatakot ako na baka bigla ay dumating si Papa o baka si Manang Fe.

Kaya pinilit kong hablutin ang mga kamay ko sa kanya. "Naguguluhan ako sa iyo. OO ama ka nga ng anak ko- but I don't make decisions for you. You are holding your life- not me."

Akala ko ay bibitiwan na niya ako nang sabihin ko sa akin iyon but hindi, mas pinalapit niya ako sa kanya. Mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay kung kaya't kahit nagsimula na akong magpumiglas ay hinding-hindi pa rin ako makakaalis sa kanya.

Mas naamoy ko na ngayon ang baho ng alak at ang buga ng sigarilyo ng kanyang hininga. Feeling ko gusto kong magsuka dahil sa naamoy ko- pero wala akong magawa dahil di ako makagalaw man lang sa kanya.

"Release me" - pakiusap ko sa kanya.

Alam kong lasing siya ng konti dahil walang ako niya akong pinilipit sa kanyang bisig at katawan na parang hindi man lang narinig ang aking pakiusap sa kanya.

Wala na akong lakas pa para gumalaw. Nilapit niya ang kanyang mukha sa akin at bigla niyang pinaglapat ang aming mga labi.

Noong unang paglapat ay hindi pa masyadong gumagalaw pero ngayon ay gumagalaw na ito ng mabilis at masakit na kinakagat nito ang aking mga labi dahilan ng pagpupumiglas ko sa kanya.

"Please stop it" gusto ko na talagang umiiyak dahil sa ginagawa niya. "Please"

Tulala siyang pinakawalan ako na para bang nagsisisi siya sa ginawa. At dahil sa galit ko ay nasampal ko siya, isang malakas na sampal na alam kong nagyanig sa kanya.

"You're making a reason na hindi ako dapat magtiwala sa iyo Mr. Fortejo!"-

Pumasok ako sa loob na sobrang mabigat ang dibdib.

Geneva- The BabyMakerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang