17: The Return

7.6K 143 0
                                    

GENEVA's POV

"Gev? Hey Gev?"

Lumingon ako sa boses na nagmumula sa kung saan. Ang boses na akala ko ay hindi ko na maririnig ulit. Ang boses na kahit ngayon pala ay makikilala ko pa rin. I still recognized the voice, the voice that I never heard for almost 4 years, the voice that hurts me too much.

"LEx?"

Nga-nga akong nakatimang sa mukha ng lalaking minahal ko 4 years ago. Tumingin ako kay Zach na katulad ko rin ay nagulat sa muling pagsulpot ng taong hindi ko inaasahan ay magpapakita pa sa akin.

Nilapitan niya ako at halos di makakilos sa bigla niyang pagyakap sa akin. "Gev, it's really you. I miss you so much" at pinaharap ako sa kanya.

"Lex" wala akong ibang nasambit dahil sa akala kong multong nakita ko. "What are you doing here?"

Nagtampon siya ng tingin sa akin na parang batang nalungkot. "Hindi mo ba ako nais makita ulit?"

Ano raw? Halos nabingi ako sa sinabi niya. Kung nais ko ba siyang makitang muli? After what he did, he left me because he found someone else tapos ang lakas pa ng loob niyang itanong iyon sa akin.

"I came from your house, at sabi ni Manang Fe nandito ka raw at hinanap kita" -

Lumingon siya kay Zach na parang hindi niya kunwaring nakita kanina. Ngumiti siya rito. "Hey Zach, How are you?" plastik na tanong niya rito.

Hindi niya gusto si Zach same as Zach doesnt like him. Si Zach kasi ang nagsumbong sa akin na may ibang babae ito at si Zach mostly ang dahilan kung bakit nag-aaway kami. OF course, Zach just wants na malaman ko ang lahat ng pagchecheating na ginawa niya sa akin.

Tipid na sagot ang ginawa ni Zach sa kanya. "Im fine Lex."

Tumingin ako sa dako kung nasaan si Angelo at si Miguel na kanina pa ay nakikinig sa usapan. Bakit pa ba sila narito eh wala naman silang mapapala sa maririnig nila. Tumingin ako kay Miguel na nakatayo lang at seryosong tumitingin kay Lex.

"Who is he?" - narinig kong tanong ni Angelo kay Zach.

"Gev's ex" -

Noong narinig ko ang sagot ni Zach kay Angelo ay lumingon ako sa kung saan nakapwesto si Lex. Katulad pa rin ito ng dati, medyo mahangin pa rin ng konti, ganito pa rin ito manamit, ang style ng buhok at kung paano ito mamorma.

He is still the same guy I fell in love with. My first Love.

I still remember everything and kahit hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang lahat sa akin kahit alam kong 4 years ago na ang nakalipas iyon.

The pain still felt.

"Lex?" isang mahinang katok ang ginawa ko noong sorpresahin ko siyang bisitahin sa condo niya.

Hindi lock ang pinto kaya pumasok na lang ako besides, hindi naman siya magagalit sa pagpasok ko dahil labas-pasok na ako sa condo niya.

"Lex?" tawag ko ulit.

Nang wala akong nakitang tao sa sala niya ay nakabahan na ako. Bakit bukas ang pinto ngunit wala naman pala siya dito? Pinuntahan ko ang kanyang kusina at baka kumakain lang siya ngunit wala rin siya doon.

Sinubukan ko siyang tawagan sa kanyang phone ngunit hindi siya sumasagot. Ilang beses ko rin siyang sinubukang tawagan ngunit gayon pa rin- hindi siya sumasagot. Kaya nabahala na talaga ako.

Ngunit agad akong nabigla nang may marinig akong ingay na nagmumula sa kanyang kwarto. Agad ko itong pinuntahan at hindi naman lock ang pinto ng kwarto kaya dumiretso na akong pumasok.

At tumambad sa akin si Lex na hubo't-hubad kasama ang isang babaeng nakahubad rin.

Ni hindi ako makahinga sa aking nakita. Ni hindi ako makapaniwala. Na para bang sinaksak ang puso ko ng ilang beses ngunit hindi ako namamatay dahil habang nakikita ko ang ginagawa nila ay bumabaon ang sakit.

Katog ang lahat ng parte ng katawan ko at pigil ko ang pagpatak ng luha ko. "Lex"

Alam kong mahina iyon ngunit nakalingon sa akin ang lalaki at nanlaki ang mata ng makita ako. "Gev?"

Huminto sila sa ginagawa. Bumuhos na ako ng iyak at halos maitumba ko na ang katawan sa sahig ng kanyang kwarto. Nakita kong mabilis na lumabas ng kwarto ang babae at bitbit lahat ang gamit nito.

Naiwan akong luhaan at si Lex naman ay di alam ang gagawin.

Mabilis siyang lumapit sa akin at iginiya ako sa kama. "Gev, I am sorry"

Luhaan at buhos ang pahid ko sa mga luha kong natingin sa kanya. Ni gusto ko siyang sampalin at tadyakan pero di ko magawa dahil sa wala na akong lakas na gawin pa iyon.

'"Gev, I am sorry" ulit niyang sabi.

"Am i not enough?" - tanong ko sa kanya.

Di siya makatingin sa akin. "It's not that Gev, it is like hindi mo naibibigay ang kailangan ko sa aking pagkakalalaki."

"Sex?"

"Gev" mahina niyang sabi.

"Let's end this" --

+++++

"Lets talk Gev" -

Ngbalik ako mula sa pagtatanaw ng alaalang iyon ng maramdaman kong hinawakan ni Lex ang aking kamay at pinisil ito. " Let's talk Gev."


Geneva- The BabyMakerUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum