10: Dad

8K 182 0
                                    

GENEVA's POV

Mahinang katok ang ginawa ko para pumasok sa kwarto ni Papa. Isang mahinang katok na agad naman akong binuksan nito. Gulat na mukha ang bumungad sa akin ng bumukas ang pinto. Nilakasan ko ang aking loob na pumasok sa kanyang kwarto.

Natambad sa aking paningin ang mga gamot at isang basong tubig na nakalapag sa kanyang mesa na malapit sa kama. Ganoon din ang mga office papers nito na naka file, nagtrarabaho pa rin pala ito.

"Yes Gev?"

Tumalima ito sa kanyang kabinet at may hinahanap na bagay dahil naghahalungkat ito ngayon at hindi man lang ako tinitingnan.

"Parang busy ka pa Papa, mamaya nlang siguro"

Agad ako nitong nilingon at tinigil ang ginagawa. "No, it;s okay tell me now."

Huminga ako ng malalim sa kanya. Nagdadalawang-isip na tuloy ako kung sasabihin ko ba o hindi nlang. Nakita ko ulit itong nagkahulangkat na naman nang hindi ako makasagot agad. Kaya minabuti ko na lang na umalis na muna besides, di ko pa ata kaya na sabihin sa kanya ang pagbubuntis ko.

"No, later nlang."

Iniangat na naman nito ang mukha at tumingin sa akin. "May problema ka ba?"

Oo pa, isang super na malaking problema.

Pero kong di ko naman sasabihin sa kanya ngayon, kelan pa. Paano kong di ko na masabi at mapansin na rin niya ang pagtubo ng aking tiyan. For sure, masasaktan siya dahil tinago ko at hindi ko gustong magalit siya sa akin dahil alam kong nakakasama iyon sa kanyang kalusugan.

Tumingin ako sa kanya ng seryoso na nakatalikod sa akin. Kinapa ako ang aking dalawang kamay para mawala medyo ang tensyon na nararamdaman ko. Ngayon alam ko na kung paano pala kahirap sabihin sa taong mahal mo na buntis ka, ngunit walang ama ang dinadala mo.

"Papa, I am pregnant" sa wakas ay nasabi ko sa kanya.

Ni halos di niya magawang magsalita at kumilos dahil sa sinabi ko. Alam kong nagulat talaga ito, at alam ko na na iyon talaga ang mukhang makikita ko sa kanya.

Tumigil siya sa ginagawa at agad na umupo sa kama, kinuha ang basong may lamang tubig at binuhos ang pag-inom nito. "What is this all about Gev?"

"I am pregnant Papa" inulit kong sabi ko.

Nagulat ngunit bigla ay ngiti ang ipinakita niya sa akin. "Is that true anak, magiging lolo na ako?"

Tumango ako.

Kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanyang mukha na halos di maipinta. Agad niya akong sinugod ng yakap. Isang yakap na mahigpit na siguro ay walang pagkakalagyan dahil nga ibinalita ko sa kanya. N

Agad siyang nagbawi ng yakap at hinarap ako. "Is the guy outside?"

Noong narinig ko iyon, ni halos di ako makatingin sa kanya. Expected, magtatanong talaga siya sa ama ng bata. Nakita kong nagtaka dahil sa reaksiyon ko kaya tinitigan niya ako ulit. "Where is he? Who is he?"

Nilunok ko ang aking laway at agad na nag-isip ng anumang dahilan. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na iniwan ko sa kawalan ang ama ng bata, same as telling him na nagpapanggap akong babymaker para lang maisakatuparan lang ang hinihiling niya.

Ayaw kong sabihin sa kanya ang totoo dahil alam kong di niya rin ako maiitindihan at for sure, magagalit siya dahil yun ang ginawa kong paraan: Ang pangpanggap kong babymaker.

"He .. he left after.. finding out .. that .. that I got pregnant" bulol-bulol na sagot ko sa kanya.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong maluha dahil sa pagsisinungaling ko. Ang kagustuhan ko lang naman ay maging masaya siya dahil iyon ang kahilingan niya sa akin.

Agad niya akong niyakap dahil sa paghikbi ko na. Sumisikip na ang dibdib ko at gusto ko na talagang magbuhos ng iyak. Nakasandig na ako sa kanyang dibdib at nagbuhos ng iyak while he keeps on making me calm at hinimas-himas ang aking likod na parati niyang ginagawa kapag umiiyak ako noong bata pa ako.

"It's alright Gev, you don't deserve him. Hindi ka niya talagang mahal, dahil kung mahal ka niya ay aakuin niya kayo at ng magiging apo ko. "

"Thanks Dad" at humarap ako sa kanya.

Ngumiti naman siya. Alam kong okay na ang lahat dahil sa hindi niya paggalit sa akin. Tama na rin itong nagsinungaling ako para sa ikakabuti ng lahat.

"Bakit di ko man lang narinig na nagkanobyo ka pala?" tanong ulit nito.

Matipid na ngiti ang sinagot ko sa kanya. "We both want it to be private .. sorry Dad, if pati kayo ay nagtago ako."

Huminga siya ng malalim at pinisil ang aking kamay. "It's okay, you don't have to be sorry Gev, everyone has the right to keep a secret para sa ikabubuti."

Mabilis ko siyang niyakap at pati rin siya ay niyakap ako.

Geneva- The BabyMakerNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ