14: The Blackmail

8.2K 201 1
                                    

MIGUEL's POV

Dumungaw sa akin ang isang malaking mansion na nasa aking harapan. Ito ang bahay na tinutukoy ni Senior Eduardo. Inaasahan ko na ito, mayaman ang Senior at walang paglagyan ang yaman nila dahil sila lang naman ang may-ari ng nag-iisang kompanya sa buong bansa.

Walang alinlangan na nagpa arrange ako agad ng meeting sa secretary nito nang malaman ko kay Angelo na si Maribelle ay ang nag-iisang anak ng Senior. Ngunit hindi pala Maribelle ang totoong pangalan ng babae kundi Geneva, Geneva Villaruel.

Ang babaeng nagpapanggap na babymaker.

Noong malaman ko ang totoong pagkatao ng babae ay hindi maalis ang pagtatanong ko sa sarili ko kung bakit nagawa niya iyon, not to mind about the money may pera sila kaya ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit nakipagtalik sa akin ng buo? Buong-buo?

"Miguel, meet my daughter Geneva"

Ni hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya nang ipakilala siya sa kin ng kanyang ama. Nakatayo ngayon sa harapan ko ang babaeng iniwan ko sa kawalan, pinagmukha akong tanga at sinaktan ang ego ko dahil kahit kailan ay wala pang babaeng nang-iwan sa akin.

No one ever did.

Nang kapain niya ang aking kamay mula sa pagkakalahad ay alam kong may takot itong naramdaman. Sino ba ang di matatakot kung sa di inaasahang sitwasyon ay makikita mo ang lalaking halos tinaguan mo ng halos isang buwan, pinagsinungalingan at tinakasan?

"So I am here Senior Miguel to have a business with you" sinimulan kong sabihin ang aking pakay.

Tumango ang matanda sa sinabi ko. "My pleasure to make business with you too Miguel, like me matutuwa rin si Geneva sa pagsososyo mo sa amin, diba anak?" binaling ang tingin nito sa anak na kanina pa ay walang imik.

Tango lang ang sagot nito sa ama at ni hindi man lang makatingin sa akin.

Mga kalahating oras rin kaming nag-usap tungkol sa pinaplanong business at sumang-ayon naman kami sa mga kapwa idea ng bawa't isa. Si Geneva ay nakikinig lang at nagtatake-note sa kanyang laptop ang napag-usapan.

Wala itong imik sa buong pulong at ang maririnig mo lang rito ay ang ingay sa kanyang pagtatype sa kanyang laptop.

Saglit na ang-excuse ang Senior dahil may kukunin ito sa kwarto.

Nabigla ako nang bigla siyang magsalita. "What are you doing here?"

Sa tono ng kanyang boses ay alam kong galit siya at naalarma dahil sa presensiya ko.

Sarkastikong ngiti ang mas lalong nagpakaba sa kanya. "You knew why I am here, so stop asking"

"You don't need to do this" -

Agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Naamoy ko ang kanyang gamit na pabango at nadala ako sa halimuyak niyon. Tiningnan ko lang siyang nakatayo sa aking harapan na galit na galit.

"Just leave and forget everything" - dugtong niya.

Ano ba ang sinasabi niya? Matapos ko siyang paghirapan na makitang muli ay ganito lang ang sasabihin niya sa akin- ang kalimutan ko lang ang lahat? Alam ba niya kung anong purwesyo ang ibinigay niya sa akin pagkatapos niya akong iwan mag-isa sa apartment kung saan nangyari ang lahat?

Mahina akong tumawa sa kanya. "You owe me something lady at narito ako para makuha iyon."

"Wala ka ngang makukuha sa akin, dahil hindi nagbunga ang nangyari sa atin."

Sabi niya na hindi man lang makatingin sa kin ng diretso. Alam kong may lihim na naman siyang tinatago at alam ko na magaling siya sapagsisinungaling dahil sa unang kita pa lang namin ay nagsinungaling pa siya.

I fucked her without knowing that she's still virgin.

"Kaya umalis ka na."

Hindi ako nagpatinag sa kanya sa halip ay nanatili akong nakaupo at easy na natutuwa sa conversation namin ngayon. Seeing her guilty to all the acts she did, nakakatuwa na parang nakakadismaya.

"Fine, aalis ako pero sasabihin ko muna sa Papa mo ang totoong nangyari sa atin.. Ano kaya ang mararamdaman niya kung malaman niyang isang gabi mong binenta ang sarili mo sa akin?"

Hindi ko man gustong idiin yun sa kanya pero kailangan dahil kung hindi ko ito gagawin ngayon, alam kong mawawala na naman siya sa akin.

Shock ang kanyang mukha at halos nabingi sa aking narinig. "You wouldn't do that"

"I will"

"Are you blackmailing me?" singhal niya sa akin.

"If that's what you think, then it is." tipid kong ganti na mas lalong nagpagalit sa kanya.

Nakakuyom na ang kanyang dalawang kamay dahil sa galit at kung di ko man aawatin ang mga pinapakawalan kong salita ngayon ay alam kong kundi bugbog ang aabutin ko ay siguro ilang sampal rin ang babakas sa aking magkabilang pisngi.

"You are impossible" -

"I am, you just didn't notice it the first time"

Geneva- The BabyMakerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن