Chapter 1: Two Persona

Start from the beginning
                                        

When I'm in school, yung totoong physical appearance ko talaga ang nakalabas. Except for the fact na nagdidisguise din ako - but as nerd. Why? Because I don't want attention! Lumaki akong ang dali makakuha ng attention because of my height and beauty. Although sabi ni Bernadette or Dette for short (she's the only one friend I have in school, di nga lang kame classmates coz she's taking MassCom) kahit nerd daw ako, gandang ganda pa din daw sya sa akin, di lang sa mukha ko kundi pati hubog daw ng katawan ko. Ilang beses na kaya niya akong kino-convince na mag make over! Di daw kase bagay sa course ko yung itsurahan ko. saka yung body shape ko? ayoko naman kase itodo ang nerdy disguise ko by wearing manang clothes! Ok na saken ang jeans, shirt and my favorite converse shoes, thick eye glasses and kinda messy hair na lagi naka-pony in a messy bun. Kaya kahit ayaw ko man, may mga nakakapansin pa din na maganda ang katawan ko.

All in all, I can say that my nerdy disguise is a success dahil walang nanggugulo saken. Well except for my bitchy classmates na kulang na lang masuka whenever they see me. They said that they really can't stand my presence and that I don't belong to our precious school. Well I don't care! As long as they do me no harm, Cassidy will behave. Basta ang normal life ko, peaceful at masaya, ok na ako dun.

" Nagmamadali ka na naman Cass! " sita saken ni Lyka na may kasama pang hampas! I just rolled my eyes over her. Naputol tuloy pagmumuni muni ko dahil sa kanya.

" Naku Lyka ah! Katatapos lang ng aking super-duper successful concert, pinapagalitan mo na agad ako! " I said to her while pouting. Natawa naman sya dahil dun. Yan ang gusto ko sa manager kong ito eh, ang dali lambingin. Lyka is not just my manager, she is also a close friend to me. Di naman kase ganun nagkakalayo edad namin. She's a very successful young lady at the age of 25. Di rin naman sya papahuli pagdating sa ganda. Minsan nga niloloko ko sya bakit di sya mag-artista eh. Napipikon sya agad pag ganun banat ko. hahaha!

" Fine. I let you go tonight Cass ah. Dahil sabe mo may exam ka tomorrow. But promise me, you will give me your time tomorrow night, you need to attend that interview. Nakaialang re-sched na ako nun ah! Wag mo - "

" Wag mo na dagdagan sakit ng ulo ko,please lang! O ayan! Ako na tumapos ng favorite line mo! Hahaha! " dagdag asar ko pa sa kanya kaya nakatikim na naman ako ng hampas niya. Buti na lang sanay na ang precious body ko sa sadistang babaeng to naku! Kaya wala nagkakalakas loob manligaw eh! Ang taray!

" Sige na. Umalis ka na sa harap ko baka magbago pa isip ko. "

" Bye Lyks! Loveyou! " I gave her my sweetest tight hug bago ako nagmamadaling umalis. Mahirap na, baka talagang magbago isip niya. Magre-review pa kaya ako!

Good thing my body guards are so good in securing the way kaya mabilis akong nakarating sa sasakyan ko. Yep. Wala akong driver, and I don't wish to have one. Kahit gaano ang tutol ni Lyka regarding this, maging sila Mom and Dad, wala din sila nagawa. Ako din ang nanalo sa huli. Kaya nga simpleng sasakyan lang pinili ko. yung tipong di halatang celebrity ang nasa loob. When I reached home, nagreview lang ako konti, then nagpahinga na. I have a long day tomorrow. Exam week pa naman!

BRENTON UNIVERSITY

" Dette, may namiss ba ko kanina sa Algeb? Kainis kase! Nalate ako! " I asked Dette furiously. Inis na inis kase ako kanina. Aga aga ko nagprepare for school tapos male-late lang dahil sa letseng gulong ng sasakyan ko! Paano ba naman kase may biglang umover take na big bike saken, ang bilis bilis pa magpatakbo! I quickly turned my wheels in the right dahil feeling ko tatamaan nya ang sasakyan ko, and that caused me to bump on the edgy part of the side walk. Mabuti na lamang at may tumulong saken magkabit ng nabutas na gulong ko. at mas lalong mabuti na lamang at wala akong naaksidenteng tao.

At ang mas pinakakinakainis ko sa lahat eh kilala ko kung sino may ari ng lecheng big bike na yun! Sino ba naman hindi makakilala, eh sya ang naman ang kaisa-isang may model ng bike na yun sa school!

I'm A Nerd AND I'm Famous!Where stories live. Discover now