Chapter 55 Two lines

Start from the beginning
                                    

"Hah!? Maglaro? Ano ka? Bata?" Hindi ko maiwasang hindi mapatawa sa tanong nya. Parang sira ulo hahaha---- yayain akong maglaro na parang kalaro ko lang nung kinder pa lang ako, "Hay nako Pierce! Magpahinga ka na lang, itulog mo na lang 'yan, baka kulang lang 'yan sa pagkakayapos mo sa paborito mong unan!"

Hanggang dito kasi ay bitbit pa rin nya yung paborito nyang unan. 'Yun ang yapos yapos nya tuwing gabi o kapag matutulog sya, himbing na himbing sya sa pag tulog kapag nasa tabi nya yung unan nya. Ayaw ngang ipapa hawak sa akin, baka daw madumihan ko. So OA!



Papunta na ako sa kwarto pero bigla nya akong hinawakan sa may brasi, "Dali na kase! Gusto ko lang maglaro." Para talaga syang bata sa inaasal nya ngayon. Nakakapanibago. Ganito ba sya pag may sakit?

"Matulog ka na nga lang..." Pero makulit talaga sya.

"Sige, masasayang lang yung mga isinulat at ginawa ko." Tinuro nya yung mga papel at ang dami nga nun.

"Ano bang pumasok naman sa utak mo ngayon at naisipan mong maglaro?"

Nag-isip pa sya, "Ahh masama ba? Nilalaro kasi namin 'to dati nila... Nila Soney!"

Inalis ko yung pagkakahawak nya sa braso ko, "Alam mo Pierce magpahinga ka na lang okay? Pagod lang yan."

"Ayaw mo talaga? Ako minsan lang magyaya sayo."

"Ahmm, sige na nga! Nagpapaawa ka pa. Pero sa isang kondisyon!"

"A--ano yun?"
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"FRIESSSSSSS!!!! THANK YOU SA TREAT PIERCE!" Wala eh tuwang tuwa lang talaga ako kasi nakapiling ko na naman ang mga potato. ^_____^

"Mahal ang french fries dito kaya dapat pumayag ka sa laro natin."

"Oo na, oo na!" 15 minutes to 20 bago ako natapos sa pagkain ng napaka raming fries na inorder ni Pierce, "Woah!! Busog na busog na ako."

"Paanong hindi ka mabubusog eh nakatatlong bff fries ka." Masarap kasi hihihi.

Pag dating namin sa hotel ayoko pa sanang bumalik kasi gusto ko pang mag gala gala at magpahangin, pero sadyang excited sya para sa lalaruin namin.

"Ano bang lalaruin natin hah?" Naka indian seat kami dito sa sala. "Bakit naman napakaraming papel nyan? Anong gagawin mo dyan?" Inayos nya by order yata yung mga papel na may nga nakasulat at hindi nya talaga yun pinakita sa akin.

"Let's play fast talk."

"Hah!? Past talk?"

"Hinde! Male, Fast talk at hindi Past talk. Letter F hindi letter P. Effff!" At talagang yung pagkaka pronouce nya, iba.

"Ahhh Fast talk?!"

"Oo yun nga! Alam mo na?"

"Hindi pa rin." Alam ko naka sabungot na naman ang mukha nya pero promised, hindi ko talaga alam yung larong yun. "Ano ba yun hah?"

"Magtatanong lang ako sayo at mabilis yung pagtatanong ko kaya dapat mabilis din ang pag sagot mo, simple as that. Gets?"

"Gets." Kahit ang totoo medyo lang. Paano naman naging laro 'to? Tsk!

"Bawal magbago ng sagot, sagot kung sagot dapat galing mismo sa puso at buong katotohanan lang."

"Okay okay!" Huminga muna ako ng malalim. "Teka, teka wait!" Nanakbo ako papuntang kusina. "Ge--game!"

"Ano yang nasa bibig mo?"

"Asukal! Para maging hypher ako, para naman mabilis ang pag gana ng utak ko." Ayan na naman sya sa pag tingin nya ng ganun. Eh sa slow ako mag-isip eh, matagal maka pick up pero maganda ako! Ano naman noh? Hahaha!

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now