Chapter 54 Jealous Pierce

Start from the beginning
                                    

"Drink or ride?" Kuya.

"I want to ride a bike, can you teach me?" Hayley, tumango na lang ako.

"How about you?"

"Hindi naman ako marunong." Hindi siya marunong mag bike?

Nagsimula na akong turuan si Hayley na mag bike at ganun din naman si Kuya kay Leaf at mas may napapansin ako. Why do they look like a more couple than us?

Charles POV -

"Focus on the road not on the wheels. Just relax." Kahit nanginginig nginig pa yung buong katawan niya ay willing naman siyang matutulo na mag bike, "oh! Kaya mo naman pala."

Nakakatuwa siyang tingnan dahil kahit anong takot niya ay nangunguna pa rin yung pagpupursige na matuto.

"Marunong na ako!" Sigaw ni Hayley na nasa kabilang sise habang si Pierce ay naglalakad, habol hininga.

Pipidal pa sana si Leaf ang kaso-- "kaya mo pa?" I asked. Tumango naman siya at nagsimula ulit pumidal.

Ilang saglit pa ay nakakaya niya ng mag balance kaya naman unti unti kong binitiwan yung pagkakahawak ko sa bike pero hindi pa nakakalayo ay na out of balance na siya sakto namang nasalo siya ni Pierce.

"Magdahan dahan ka nga!" Napagtaasan na siya ni Pierce ng boses, "kung sasamahan mo ng kalampahan ang lahat ng bagay, hindi ka matututo. Paano na lang kung walang naka antabay sa'yo? Edi may gasgas ka na sa ngayon. Eh paano kung hindi lang gasgas? Mapatama 'yang ulo mo? Edi mas lalong hindi ka natuto."

"Accident is part of it at bakit mo sinisigawan si Leaf?" Binitiwan niya yung pagkakahawak niya kay Leaf kaya ako na ang nagtayo sa kanya. "Okay ka lang?" Hayley.

"Sorry Kuya kung nasigawan ko yung fiancé mo." Alam kong nabigla si Leaf sa sinabi niya, "I think she's fine. Alis na tayo?"

"Are you sure that you're okay?" Tumango tango naman si Leaf kaya na una na silang dalawa.

"Kampon talaga 'yun ni Satanas." Leaf.

Itinayo ko na yung bike at sumakay dito, "gusto mo ba dito ka na lang sa unahan ma upo?"

"Okay lang sa'yo?" Biglang bigla pa siya.

"Oo naman."

Ngumiti naman siya sa akin sabay sabing, "may other choices ka pa ba bukod sa drink or ride?"

Gusto ba niyang umalis?

"Wala na eh."

"Pwede this time, piliin ko naman yung drink?" Sabi ko na.


Wala ng tanong tanong pa ay dinala ko siya sa bar na malapit dito. Chill bar lang siya pati na rin ang mga drinks kaya magiging komportable siya rito.

"Rate your alcohol tolerance."

"Ha?"

"Inaalam ko lang kung hanggang saan ka tatagal."

Kumunot naman yung noo niya, "kaya nga tayo mag iinom para malasing di 'ba?"

"Pero huwag mo akong tatanungin kung sinong mas maganda sa inyo ni Hayley ha."

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now