Chapter 53 Double Date

Start from the beginning
                                    

Nakikita ko na may binibigkas si Charles pero wala akong maintindihan bukod doon sa kantang naririnig ko. Nanlalabo rin yung mga mata ko--

"... I love you Ra---"

"Leaf!? Leaf!? Leaf!!?"

Pierce POV -

"Hindi ko rin talaga alam kung anong nangyari. Kinakausap ko siya tapos bigla na lang siyang nawalan ng malay kaya dinala ko kaagad siya rito."

Nandito kami ngayon sa hospital, naghihintay na magkamalay si Leaf.

"Okay naman daw ang lahat sa kanya, kaya bakit siya nawalan ng malay?"

"Napagod siguro. Halos wala na siyang pahinga sa paglalakad kanina." Ano pa 'bang aasahan ko sa kanya? "Si Hayley? Hindi mo kasama?"

"Hinatid ko muna siya sa hotel kung saan siya naka check in, I just made an excuse."

"Balikan mo na siya, ako na ang bahala rito." Inayos niya yung kumot ni Leaf. Close sila? "Wala naman akong gagawin at isa pa, ang alam ni Leaf ay may emergency ka na pinuntahan. Baka maghintay sa'yo si Hayley. Sasabihan na lang kita once na magising na si Leaf.

Gusto ko sanang umalis pero ewan ko ba.

Mga 8pm ay iniuwi na namin siya sa hotel. Nagising na naman siya at wala na naman daw problema sabi ng doctor.

"Oh, inumin mo!"

"Ayoko nga sabi ng kiwi ang kulit!!" Pinitik ko siya sa noo.

"Kaya ka nawawalan ng malay eh kasi ayaw mong kumain ng masusustansyang pagkain." Inilagay ko na lang yung inumin sa tabi ng kama. "Nga pala, ano na naman ba ang nangyari sa'yo? Sa pagod? O naoverdose ka na dahil sa dami mong kinain?"

"Hindi 'no. Basta bigla na lang akong may naalala, hindi ko rin masigurado kung ano. Sumasakit na naman ulo ko."

"Hindi ba na coma ka?"

Narinig na lang namin na bumukas yung pinto kaya pumunta ako ng salas at nandito si Hayley.

"Sinong kasama mo?" Dumire diretso naman siya sa kwarto at doon niya naabutan si Leaf, "Ms. Greigo?" Hindi naman nakasagot si Leaf pero kutob ko na kung ano ang iniisip niya.

"Hayley, Hayley? This is not what you think, okay?"

"Then, what is this? Explain!"

Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya 'to kung huling hili na kami sa akto?

"Ang paalam mo sa akin, may emergency 'kang kailangang ayusin eh ano 'to? Bakit magkasama kayo sa iisang kwarto? And you're taking care of her? Siya ba yung emergency?"

Napatingin ako kay Leaf na nagulat din sa mga nangyayari.

"Yes." Tanging nasagot ko kaya susugurin na sana niya si Leaf pero pumagitna si Kuya.

"Charles? Ano 'to? Pati kapatid mo damay sa panloloko mo sa akin?!"

"Hindi kasi ganun 'yun Hayley." Paano ba kasi ako magpapaliwanag? Ngayong nasabi ko na si Leaf ang dahilan kung bakit ako umalis ay magtataka siya kung anong ugnayin naming dalawa at kapag nalaman niyang kasal kami, tapos na.

"Then explain! Tell me on what's the relationship between the two of you? What is she doing here in this room with you and why are you protecting her?!"

"Hayley, will you please calm down first. Kagagaling lang ni Leaf sa hospital please." Kuya.

"Kakalma lang ako kung sasagutin niyo ang tanong ko. WHO IS SHE?!"

Napatingin ako kay Leaf na ngayo'y nasa likuran ni Kuya habang nakatingin lang sa baba.

"She's Pierce--" Pinigilan ko si Kuya.

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now