Dumating kami na konti palang ang tao.

And as I enter the room all eyes on me

At nang hinanap ko siya ay saktong paangat palang siya ng paningin sa direskyon ko.

Nagtama ang mga mata namin.

Napansin ko ang gulat niya pero dagliang nawala iyon at ngumiti siya sakin.

Siniko naman ako ni Erika.

"Nakita mo yun?" she chuckled.

Hinawakan niya ang wrist ko at hinila.

"Hi good morning!" bati ng kaibigan ko kay Sky.

"Morning." bati nito pabalik.

Umupo ito sa katabi ni Sky at itinuro niya umupo ako sa kabila.

And I did.

Saktong pumasok si Ma'am Gatdula.

"Uh hindi ba kayo lilipat? diba doon sa unahan ang pwesto niyo?"

Eh bakit nga ba kami andito?

Tatayo na sana ako ng magsalita si Erika.

"Dito nalang kami. Wala ka namang katabi eh saka mas kita namin dito kesa doon."

Unahan nga kami kaso nasa bahaging dulo ang upuan namin so hindi na namin kita ang kabilang dulo ng white board.

"Ah okay."

Nagsimula na si Ma'am magturo. Nagpahalumbaba lang ito.

Kinapa ko ang ballpen sa loob ng bag ko dahil magsusulat ako pero hindi ko ito mahagilap.

San naman napunta yun?

Nakita ko na hawak hawak ito ni Erika at iwinagayway pa. Ngiting ngiti siya habang nginunguso ang babaeng katabi namin.

Nagets ko naman ang gusto niyang iparating.

"Um Sky, may extra ballpen ka? Pahiram naman oh."

Umayos ito ng upo "Ha? wala eh pero eto gamitan mo. Hindi naman ako nagsusulat eh." inabot niya ang ballpen nasa desk niya.

"Sige thanks." kinuha ko ito.

Tumingin ako sa kaibigan ko. Pinanglakihan niya ako ng mata.

This time hindi ko na makuha ang gusto niyang sabihin.

May isinulat siya sa papel at ipinakita ito sakin.

Kausapin mo pa.

Yan ang nakasulat.

Anong sasabihin ko?

At parang nabasa niya ang nasa utak ko at may ipinabasa ulit siya.

Kahit ano! Basta mag-isip ka.

Bahala na.

Sumandal si Sky sa upuan at pumikit.

Pinagmasdan ko siya.

"Oy." tawag ko dito.

Nagmulat siya "Oh?"

"Lagi ka bang puyat? Lagi kang natutulog eh."

She chuckled "Hindi porke nakapikit ay tulog na atsaka ndi po ako puyat, antukin lang talaga ako."

"Tapos hindi ka pa nakikinig at nagsusulat. Pano ka nakakakuha ng mataas na grade sa lagay na yan?"

Her Greatest Battle (Editing)Where stories live. Discover now