Chapter 45 Priority

Start from the beginning
                                    

"Kurutin mo nga ako sa ilong."

"Hah?"

"Basta, gawin mo na lang!"

"Ayoko nga!"

"Aish! Ang bakla mo naman. Dali na, kung talagang sincere ka sa pagsosorry mo pisilin o kurutin mo yung ilong ko."

"Anong connect nung pag kurot ko sa ilong mo sa pagiging sincere ko sa sorry ko?"

Sya nga po yung tipo ng tao na hindi makuha sa isang paki-usapan.

"Gawin mo na lang! Dami pang sinasabe, alam ko marami kang galit sa akin kaya ngayon binibigyan kita ng chance na gumanti. Kurutin mo--- Aray!!! Ang sakit naman nun!" Napahawak ako sa ilong, kinurot nya na kasi eh ang sakit. Huhuhuhu! T__T

"Oh ayan! Okay ka na?"

"Oo na." Ngayon alam ko na talagang hindi ako nananaginip, na totoo ang lahat ng nangyayare ngayon. Hindi imagination lang. "Isa pa, tadyakan mo naman ako dali!" Napa atras naman sya.

"Aish! Kung may balak kang magpakamatay, huwag ako yung gamitin mo!" Tumakbo sya papunta sa kusina at pag balik nya may dala dala na syang baseball bath. "Eto gamitin mo, huwag ang kamay ko."

Minsan nga po ang cute nya magalit hihihi. ^____^

"Yan lang yung dala mo?" Pagbibiro ko.

"Psh, ang choosy mo! Ang dami mong daldal. Kung ayaw mo ng mga rosas lang, kukuhanin ko na!" Tumayo na sya.

"Hep! Hep! Hep! Eto naman hindi mabiro oh!" Hinawakan ko sya sa kamay para pigilan sya, napaka matampuhin. "Umupo ka nga dyan!" Umupo naman sya pero yung hulma ng mukha nya, beastmode pa rin. "Thank you hah?"

"Te--thank you lang?" Sabe nya yun habang nakatingin lang sya sa harapan at hindi sa akin.

"Oohm, thank you kase akala ko nakalimutan mo na. Thank you sa pag effort at sa mga roses." Kahit hindi sya nakaharap sa akin, nakikita ko na napapangiti sya. Minsan ko lang kasi sya makitang ngumiti o tumawa kaya pansin na pansin ko yun sa kanya. "Mwaa!" Nabigla sya at napaharap sa 'kin. "Okay na ba?"

Hindi ko maintindihan ang itsura nya ngayon.

Tumayo na sya, "Saan ka pupunta?"

"Ka--kay--aish! Kaylangan ko na kasing bumalik ng opisina eh. Bye!" At nagmamadali na syang lumabas ng bahay.

"Aish! Kahit ang sungit nya ang sweet sweet pa rin nya tingnan, hihihihi."

Pierce POV -

Bakit naman nya ako hinalikan? Psh, pyscho talaga sya.

"Woahh! Mukhang nasa good mood tayo ngayon ah. Napapangiti kahit wala namang kausap." Nandito na sya sa tabi ko. "Sino bang iniisip mo? Si Hayley na naman ba?" And speaking of Hayley nakalimutan ko ng balikan sya. "Oh! Kadarating mo lang aalis ka na agad?"

"Nakalimutan kong balikan si Hayley eh, I have to..."

"Hep! Hep! Hep! Wait!" Humarang naman sya sa may pintuan, "Anong sabe mo? Nakalimutan?"

"O--oo bakit ba?"

"First time ko yatang narinig sayo na nakalimutan mo si Hayley. Tama ba ako?"

"Hays, ano na naman ba yang nasa isip mo hah? Huwag mo sabihing idadamay mo na naman dito si Leaf?" Sabe nya yun habang nakapamewang.

"Hindi naman sa ganun. Ang sinasabe ko lang ay unang beses ko yatang narinig sayo na sa hinahaba haba ng panahon, ngayon mo lang nakalimutan si Hayley. Baket? Baket pare? Anong nakapag pabago sa isip mo? Sino na ba ang iniisip mo ngayon?"

Wanted Babymaker (Editing)Where stories live. Discover now