Chapter 42 Painful

Magsimula sa umpisa
                                    

"Aish! Ano ba!? Naintindihan ko, pero bakit kaylangan paulit ulit." Gusto kong maging masaya itong araw na 'to sa akin. Kaya mag-iisip na lang ako ng mga positive thoughts. "Siguro naman busy silang lahat ngayon, pero baka naman mimiya may free time na sila. Okay! Kaya ko 'to!"

Kahit na mag isa, go lang ako. Nag enjoy na lang ako sa pamimili. Ngiting ngiti ako kahit na isipin pa nilang baliw ako, okay lang! Pake ba nila.

"Miss one order of caramel cake and strawberry chocolate please."

"Okay ma'am." Umupo na muna ako sa bench malapit dun sa pinagbibilhan ko ng cake, inaayos pa kasi.

Pierce calling....

"Hello? Pierce nasa..."

"Ahm, can I ask you something?" Para namang hindi kami close kung makapag tanong sya.

"Ano ba yun?"

"Ngayon lang ako hihingi ng tulong sayo so please, paganahin mo yung utak mo kahit ngayon lang. Pwede ba hah!?"

"Ano ba!? Mang-iinsulto ka ba o ano?" Lagi na lang nyang sinasabe na hindi gumagana ang utak ko. Eh ano bang pakelam nya kung minsan may pagka slow ako. Hmp!

"Okay, mag bigay ka nga ng mga bagay na gustong maranasan ng isang babae sa espesyal na araw?" Woah!! Para ba yun sa akin? Wait, wait! Busy sya kasi pinaghahandaan nya yung birthday ko? OmyG! \*^∆^*/

"Ahh hahaha. Pierce naman eh! Kung mangsusurprise ka, huwag mong itanong sa akin baka kasi hindi ako ma surprise."

"Hindi ako nakikipag lokohan Leaf, just answer my question!"

"Oo na! Ang sungit!"

"What now? Nagmamadali ako!"

"Shempre ang gusto ng mga babae yung nag effort yung lalaki sa kanila, kahit simpleng effort lang okay na."

"And then?"

"Gusto rin namin ng mga roses, teady bears, chocolates, hand written na mga letters. Hindi kasi kami mga materialistic na kaylangan jewelries, bags, car. Simpleng bagay lang masayang masaya na kami."

"Yun lang? Ano pa?"

"At ang pinakamahalaga sa lahat, aanhin mo yang mga bagay na yan kung wala ka namang time para sa kanya. Time!"

"Damang dama mo yung pagsasalita mo ah! Oh sige na kaylangan ko ng umalis, thank you! Bye!" Ganun ganun na lang yun? Aish! Ang sungit nya talaga ngayon.

"Here's your order Ma'am." Binigay nya sa akin yung dalawang box tapos may kasama pang maliit na box.

"Miss? Hindi ko 'to inorder."

"Okay lang po Ma'am. Binibigay po talaga namin yan sa may mga birthday. Happy birthday Ma'am." Wow! Ang ganda naman ng ngiti nya.

"Thank you!" Gumaganda na yata ang birthday ko ngayon ah! Lalo na mimiya, may surprise si Pierce sa akin. Yipeee! I'm so excited!

Pierce POV -

Around 5pm natapos na rin ang lahat, sya na lang ang kulang. Hihintayin ko na lang mag 7pm para makita nya na lahat 'to.

"Okay na!"

"Salamat pare." Tinapik ko sya.

"Sana naman magustuhan nya lahat 'to noh? Pinaghirapan mo 'to eh."

"Oo nga." Tinulunga ako ng Cliff ayusin ay pagplanuhan itong gagawin kong surprise gift para sa kanya. Ngayon ko lang 'to magagawa simula ng magkakilala kami, puro na lang kasi kami pagtatalo. Ngayong mahalaga itong araw na 'to para sa kanya, I just want to make this day more special.

Leaf's POV -

5pm. "Okay na ang lahat! Party poppers, check! Cakes! Baloons! Okay okay, very good very good Leaf!"

Message to Pierce;

Nasan ka na? Luto na yung mga pagkain. Ako mismo ang nagluto, bilisan mo! Uubusan kita sige ka!

Sent.

Maaga pa yung dinner pero nagluto na agad ako, wala eh! Ganyan ako ka excited. Hihihi.

"Ma-- Leaf? Siguradong matutuwa si Sir nito. Ang ganda ng mga ginawa mo at ang sarap sarap pa ng niluto mo."

"Thank you Yaya! Sana po talaga magandahan si Pierce, para naman kahit ngayong araw lang. Mapuri nya na may nagawa naman akong tama."

Pierce POV -

Mag iisang oras at kalahati na kaming naghihintay, nakapag ready na ako. Magseseven pm na rin pero hindi pa rin sya nadating.

"Pare darating pa ba sya?" Si Cliff na mukhang antok na. Kanina pa kasi kami naghihintay dito.

"Oo, nagtext na ako sa kanya." Pero hindi pa rin sya nagrereply. "Maghintay pa tayo ng ilang minuto siguro naman darating na sya." May tiwala ako na darating sya.

Leaf's POV -

"Leaf? Leaf? Gising! Leaf?"

"Ohmm, Yaya! Anong oras na?" Tiningnan ko yung cellphone ko kasi tumatawag si Athan. "Hello? Athan?"

"Nakatulog ka?"

"Oo eh, bakit ba?"

"Where are you?"

"Bahay."

"Pumunta ka dun sa itinext ko sayong address. Kaylangan kitang maka-usap, right now!"

"Oo na! Oo na po, maghahanda na."

"Ingat. See you!"

Aba! 11pm na pala, "Yaya si Pierce po? Hindi pa po ba dumarating?"

"Hindi pa eh. Hindi rin tumatawag kung uuwi na sya." Siguro naman bago mag 12 nandito na sya kasi may surprise pa sya sa akin diba? Huwag kang panghinaan ng loob Leaf. Okay lang yan! Hangga't hindi pa natatapos 'tong araw na 'to, cheer up lang ako.

Hindi ko napansin tunaw na pala yung kandila sa may cake, nasisira na rin yung nakasulat na 'happy birthday' lumalamig na yung mga niluto ko. Pumutok na yung ibang lobo. Natatanggal na yung mga isinabit kong mga letter.

Panghihinaan na sana ako ng loob ng biglang nakarinig kami ng sasakyan, "Yaya! Yaya! Ayusin nyo na po yan dali! Baka nandyan na si Pierce!" Todo ayos na ako, excited na excited. Naririnig namin palapit na sya ng palapit at ng nasa pintuan na sya, "Happy happy birthday to.. Teka, ikaw si..."

Natulala naman sya, "Cliff! Ako si Cliff, pinapasabe... ni Pierce na baka daw malate syang umuwi." Pakiramdam ko nung sinabe nya yun. Tutulo na yung mga luhang kaninang kanina ko pa pinipigilang lumabas. "Si--sige. Una na ako hah? Happy birthday nga pala Leaf, sige."

Malelate sya ng uwi? Paano yung surprise? Akala ko ba may surprise sya sa akin? Eh ano yun?

"O--okay ka lang?"

"Hah? O--ooo naman yaya! Wala yun! Okay lang, birthday ko lang naman ngayon eh. Hindi na yun mahalaga. Okay lang po talaga ako. Hindi naman kaylangan pati birthday ko paglaanan pa nya ng oras diba? Okay lang, ayusin nyo na po. Lalabas lang ako." Lumabas na lang ako para magpahangin.

Athan's calling....

"He--he--hello Athan?"

"Nasan ka na? Kanina pa ako naghihintay dito."

"Ay! Oo nga pala. Sige papunta na ako!"

"We--wait! Are you crying?"

"Hah!? Hindi noh! Sinisipon lang ako, sige na papunta na ako. Bye!" Ayokong matapos itong araw na 'to na may lungkot akong nararamdaman. Kaya minabuti kong pumunta na lang kay Athan.

Ang hirap pa lang mag assume. Ang sakit din pala, pero bakit? Bakit ako nasasaktan kung hindi sya dumating? Bakit ako umiiyak? Bakit?

Wanted Babymaker (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon