KABANATA 5

3.5K 128 1
                                    

Prenup

×××

Nag-unat si Natalia. Ang sarap ng naging tulog niya. Pagkatapos mapa-pirma si Treyton sa kontratang ginawa niya, at mai-set ang mga plano niya; ang pakiramdam niya ay nakagawa siya ng isang napakalaking achievement. Kung pwede niya nga lang i-share sa ate niya ang lahat ay masaya niyang ibabalita rito ang paghihiganting pina-plano niya.

But of course, she can't. Alam niya namang hindi papabor ang ate niya sa ginagawa niya. Isa pa ay baka hindi rin siya nito paniwalaan, kung sasabihin niya ang rason niya.

Inabot ni Natalia ang phone na nasa side table. Napakunot ang noo niya nang makita ang twenty five missed calls na naka-flash sa screen. Mayroon ding text na mula sa iisang tao lang.

Ow shoots... Ngayon na nga pala iyong prenup namin.

Natatarantang tumayo si Natalia. Dumiretso siya sa banyo at nagmamadaling naligo. Isang simpleng tshirt na black at navy blue jeans ang sinuot niya. Pinartneran niya rin iyon ng black sneakers.

Nagda-drive na siya papunta sa location nang muling tumunog ang phone niya. Nang tingnan niya ang screen at makita ang pangalan ni Treyton ay umasim ang mukha niya. Ayaw niya pa sana iyong sagutin pero baka masayang lang ang effort niya kung aalis na ito sa location dahil on the way na rin siya.

“Hoy babae, alam mo ba kung anong oras na ha? Ikaw itong nagpipilit nitong photoshoot na ’to tapos hanggang ngayon ay wala ka pa! Ginagag* mo ba talaga ako ha?” pabulyaw na bungad ni Treyton sa kaniya.

Kahit wala ito sa harapan niya ay nagsuot ng pekeng ngiti si Natalia upang ipakita na aminado naman siyang may karapatan itong mainis.

“Sorry. On the way na ako. Malapit na ako.”

“Ten minutes. Kapag wala ka pa ng ten minutes ay aalis na ako,” at binaba rin kaagad ni Treyton ang telepono.

“Napaka impatient naman nito. Parang thirty minutes palang naman siyang late e.” ngisi ni Natalia.

Minabuti niyang bilisan na ang pagda-drive dahil nag-aalala siyang baka hindi na maabutan ang binata. Kasama pa naman ang photoshoot na ’yon na gagamitin niya sa pang-iinis sa Meanne na iyon. Gusto niya kasing ipakita dito na oras na makasal na sila ni Treyton ay siya na ang nagmamay-ari sa lalaki at magiging kabit na ito.

Mga baliw naman kasi... Para lang sa pera ay pinili nila ang ganoong set up. Ganoon ba kahalaga ang pera sa relasyon nila? Kung nagmamahalan talaga sila ay bakit hindi nalang nila ipaglaban iyon? Hindi ba sila mabubuhay ng walang malaking halaga sa mga palad?

Nakakasukang pagmamahal naman iyon. Dahil kung siya ang tatanungin. Oras na nagmahal siya ay gagawin niya ang lahat para ipaglaban ito. Kahit pa wala itong malaking pera ay pipiliin niya parin itong makasama dahil hindi naman iyon mahalaga. Ang pinakamahalaga ay ang pagmamahalan nila na siyang tatapal sa butas ng kakulangan.

“Wow dumating ka pa...” pabulong na salubong ni Treyton kay Natalia na ikinangiti lang ng dalaga.

Marunong naman pala itong tumupad sa sinabi since wala pang ten minutes ay naroon parin ito at naghihintay sa kaniya.

“Hi, Penguin. Pasensiya ka na kung na late ako ah. Alam mo naman kailangan kong mag beuty rest para sa big day ko.” malambing na turan naman ni Natalia. Talagang nilakasan niya iyon para marinig ng mga taong naroon at simulan silang pag tsismisan.

Iyon ang gusto niya at alam niyang iyon ang makukuha niya. Sisiguraduhin niyang marami ang maiinggit sa relationship goals nila ni Treyton; lalong-lalo na ang girlfriend nito.

Natalia's RevengeWhere stories live. Discover now