KABANATA 19

2.4K 84 2
                                    

Hiking

×××

“Pumasok ka ba sa kwarto ko kagabi ha?” asik na bungad ni Natalia kay Treyton.

Although naabutan niyang natutulog sa sofa si Treyton ay hindi siya kombinsido na magdamag itong naroon. Lalo pa't malakas ang pakiramdam niyang pumasok ito sa kwarto habang natutulog siya. Ano bang malay niya kung sinilipan siya nito.

“Ano bang problema mo? Nakita mo namang natutulog ang tao hindi ba?” Kamot ng ulo ni Treyton. Siya na nga itong natulog sa sofa at pagbibintangan pa siya nitong may ginawang hindi maganda.

Damn ang sakit ng katawan niya.

Inis itong pumihit si Treyton para talikuran siya.

“Tseh bahala ka nga sa buhay mo.” Dahil wala namang proweba at  padabog na nag walk out nalang si Natalia.

Samantala, mula sa pagkakapikit ay nagdilat naman ng mata si Treyton. Bigla niya kasing naalala ang nangyari kagabi. Iyong kakaibang kuryente na naramdaman niya. Iyong pagngiti niya ng walang dahilan.

Damn! Nababaliw na ata siya...

Umiling-iling siya. Hindi tama na isipin niya iyon kaya muli niyang pinikit ang mga mata.

×××××

“Ano ang endearment ninyo?” baling ng emcee sa kanila ni Treyton.

Nagkatinginan lang sila. Wala naman kasi silang particular na tawagan. Although kapag inaasar niya si Treyton at pinagseselos ang girlfriend nito ay tinatawag niya itong penguin.

 Although kapag inaasar niya si Treyton at pinagseselos ang girlfriend nito ay tinatawag niya itong penguin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Penguin... Ang cute sana niyon bilang endearment. Naiinis nga siya kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya nang maisipan itong asarin. Iyon pa naman ang gusto niyang itawag sa magiging totoong boyfriend niya. Bukod kasi paborito niya ang mga cute na penguin ay ibang klase rin ang relationship goals ng mga ito.

Hindi siguro alam ng ilan pero ang penguin ay once lang nagkakaron ng partner. Para itong mga swan na kapag may partner na ay pang habambuhay na nila iyong partner. Iyong tipo na kahit magkahiwalay sila ng matagal ay palagi nilang nahahanap ang isa’t-isa. Ganoon din sana ang gusto niya sa magiging boyfriend niya.

Masama lang dahil hindi na niya iyon bet na gamitin lalo pa at nagamit na niya iyon sa iba. Ayaw niya naman na sa tuwing tatawagin niya ang magiging boyfriend niya gamit ang endearment na iyon ay si Treyton ang maaalala niya.

“Penguin...” uubo-ubong sagot ni Treyton sabay tingin sa direksyon niya. Mukhang nakikisakay na ito sa couple interview na ginagawa sa kanilang mga couple. Kahit nahihiya ay alam nito ang isasagot sa tanong.

Psh!

“Penguin... Ang cute naman.” tila kinikilig na sambit ng emcee. Lumapit ito kay Treyton at may iniabot na piraso ng papel. “Kung ganoon, penguins. Ito ang itenerary ninyo ngayong araw at sa susunod na araw.”

Natalia's RevengeWhere stories live. Discover now