KABANATA 25

2.3K 96 3
                                    

Isla Verde

×××

Masayang pinanood ni Natalia ang ilang maliliit na isdang sumasabay sa sinasakyan nilang bangka.

Matagal na rin siyang hindi nakapagbabakasyon kaya iba ang pakiramdam na makalanghap ng sariwang hangin. Dahil bahagyang lumalakas ang hangin ay hinawakan ni Natalia ang malapad na sumbrerong suot upang hindi iyon liparin.

Dalawa lang silang nakasakay sa bangka ni Treyton. Malaki naman ang bangka pero sila lang ang naroon dahil wala naman silang kasabay na magtutungo sa Isla Verde; ang isang pagmamay-ari ng mga Villarreal.

Doon gaganapin ang anniversary party ng lolo at lola ni Treyton. Medyo malayo iyon at dahil nalaman ni Natalia na may beach ang pupuntahan nila ay naisipan niyang mag file ng one week vacation. Ang sabi rin kasi ni Treyton ay pwede naman daw silang mag stay roon, kaya para na rin iyong bakasyon.

Since ayaw ring pumayag ni Grandpa na hindi siya pupunta, ay susulitin nalang niya. Isa pa, nang tinanong niya naman si Treyton kung pwede ba siyang sumama ay hindi naman ito kumontra. Halatang hindi rin naman big deal dito ang pagpapakilala sa kaniya sa buong angkan nito.

 Halatang hindi rin naman big deal dito ang pagpapakilala sa kaniya sa buong angkan nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nang huminto ang bangka ay nauna ng kumilos si Treyton para bumaba. Pagdating sa may daungan ay huminto ito at lumingon sa kaniya. Animo'y nag-aalala ito sa pagbaba niya. Iniunat pa nga nito ang kamay para alalayan siya.

Sus. Pa gentleman pa.

Lihim na napangiti si Natalia. Tinanggap niya naman ang pag o-offer ng tulong ni Treyton. At aaminin niya, natutuwa siya sa ganoong pakitungo sa kaniya ng binata. Feeling niya kasi mahalaga narin siya para dito. Although she was not sure, kung siya lang ba iyong nagbibigay ng maling kahulugan sa mga ginagawa nito. Malay niya ba kung ganoon ang lalaki sa lahat ng babaeng kakilala nito.

Mula sa pampang kung saan dumaong ang sinasakyan nilang bangka ay napatingala si Natalia. Matatanaw kasi mula roon ang may kalakihang villa. Mayroon iyong pool na nakaharap sa malawak na karagatan at medyo may kataaasan. Ang akala ni Natalia ay iyon ang pupuntahan nila pero hindi nila binaybay ang matarik na hagdan pataas patungo sa nasabing villa.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Natalia's RevengeWhere stories live. Discover now