KABANATA 26

2.3K 87 1
                                    

Seloso

×××

The party starts at six in the evening. Five thirty pa lang ay naroon na sa main villa sina Natalia at Treyton. Syempre para simulan na ang pagpapakilala sa kaniya ng lalaki bilang fiancee nito.

Everyone was nice. Kahit paano ay wala naman nakikita si Natalia na tutol sa pagpapakasal nila. Even Treyton’s father; Reynante na naka-base sa abroad. Umuwi lang ito para sa anniversary ng magulang.

Tila excited pa nga itong nagsi-share sa kaniya ng mga kwento nang kabataan ni Treyton. Masyado nga itong madaldal para sa imahe nito bilang world class business tycoon.

“And you know what. Alam mo bang napaka-iyakin nitong si Treyton noong bata pa ha. Naalala ko nga may time na natusok ng karayom ang paa niya. The thing was he started crying and begging for help dahil hindi daw siya makalakad. He even asked me to bring him to the hospital.” Reynante laughed. Kahit iyong mga nakikinig sa kwento nito ay nagsimula ring tumawa ng mahina.

Samantala si Treyton ay kanina pa hindi maipinta ang mukha habang paulit-ulit na hinihilot ang tungki ng ilong. “Dad, enough. You’re embarrassing me.”

“Alright. Sorry. Gusto ko lang namang i-kwento kay Natalia ang bagay na iyon since hindi ko iyon makalimutan.” Tap ni Reynante sa balikat ng anak.

Pagkatapos nitong magpaalam ay iniwan narin sila nito.

“Stop smiling.” sita sa kaniya ni Treyton.

Imbes na itigil ang pagkakangiti ay mas niluwagan pa ni Natalia ang nakapaskil na ngiti sa labi.

Eh sa natatawa ang tao e, bakit ba.

Dahil tuloy sa ginawa niya ay asar na tinaasan siya ng kilay ni Treyton. “Hoy!”

“Psh! Ang tapang-tapang mo ngayon e iyakin ka naman nang bata ka pa.” pang-aasar pa ni Natalia sa binata.

Nang makita niyang lalong umusok ang ilong nito ay natatawa niya itong iniwanan. Nagmamadali siyang lumayo sa binata na agad naman siyang sinundan. At dahil nililingon ito ni Natalia ay hindi niya nakita nang mabuti ang daraanan kaya nagkamali siya ng hakbang at natisod siya.

Agad nataranta si Treyton na hahabulin sana ang pagbagsak niya pero may lalaki ng naunang sumalo sa kaniya. Mula sa harapan niya ay isang binatang nakasuot ng simpleng polo shirt at maong pants ang nabungaran ni Natalia. Nang ngumiti ito ay agad lumitaw ang pantay-pantay nitong mga ngipin at maging ang dimple nito na nag-iisa ay lumabas din.

“What a beautiful accident.” usal ng lalaki.

Dahil nakangiti ito ay sinuklian rin ito ng matamis na ngiti ni Natalia. “Thanks.”

Bago pa maka-ayos ng tayo ni Natalia ay nakalapit na si Treyton at marahas siyang hinila palayo sa lalaki. Napansin kaagad ni Natalia ang tensyon na namamagitan sa dalawang lalaki na nasa harapan niya. Para kasi silang naglalaban ng titigan. Matagal na walang nagsasalita pero iyong nagliliyab nilang mga mata ay nagdudulot ng pag-init ng paligid.

“Trevor...” madiing sambit ni Treyton.

Salitan na tinapunan ng tingin ni Natalia ang dalawang lalaki. Hindi pa kilala ni Natalia ang dumating pero alam kaagad ni Natalia na hindi maganda ang timpla dito ni Treyton.

“Long time no see,” wika ni Trevor.

“Sana nga tinagalan mo pa.” sarcastic na sagot ni Treyton.

“You know, I can’t miss Grandpa’s anniversary.” sagot naman ni Trevor saka tumingin ng nakangiti kay Natalia at kumindat pa. “Who is this lovely lady?”

Natalia's RevengeWhere stories live. Discover now