KABANATA 28

2.2K 101 3
                                    

Treyton's Anger

×××

“O ano ka ngayon huh? Akin na ang tainga mo loko!” sigaw ni Natalia.

Parang batang napahawak naman si Trevor sa sariling tainga. Halatang natatakot ito sa gagawin niya pero lumapit parin ito at ibinigay ang tainga.

Talagang nilakasan ni Natalia ang pagpitik na ginawa niya kaya nang lumayo sa kaniya si Trevor ay hawak na nito ang taingang namumula at hinahaplos.

“Para sa isang babae, masyadong mabigat ang kamay mo ah.” Nguso ni Trevor.

Inirapan lang ito ni Natalia. “At para sa isang lalaki ay wala ka man lang ka gentle-gentle sa katawan. Pagkatapos mo akong pitikin ng malakas sa tainga ay umaasa ka na palalampasin ko lang iyon. Wow ka ha.”

Natawa naman si Trevor. Pagtapos nitong tumawa ay sinapit nito ang relo na suot kaya ganoon rin ang ginawa ni Natalia. Tiningnan niya ang oras mula sa wall clock na nakasabit sa kwartong kinaroroonan nila.

Pasado alas-diyes na pala. Mahigit tatlong oras na silang naglalaro. Dahil nag e-enjoy ay hindi namalayan ni Natalia ang oras.

“I think it’s time to call my brother. For sure nababaliw na iyon sa kahahanap sa’yo.” Tawa ni Trevor.

Yumuko naman si Natalia. Paano kung hindi? Paano kung hindi man kang nito napansin ang pagkawala niya?

Pagkatapos tawagan ni Trevor si Treyton at sabihin na naroon siya ay inaya siya ng lalaki na uminom ng hot chocolate. Ginawan siya nito nun at doon na sila sa may kusina nag kwentuhan habang nag-iintay sa pagdating ni Treyton.

“Pero ako ang nanalo ha. Tandaan mo, three-four tayo. Apat na beses akong nanalo, samantalang ikaw ay tatlo lang. So clearly ako parin ang nanalo.” pagyayabang ni Trevor.

Natatawa lang si Natalia sa mga pinagsasabi nito. Talaga kasing ayaw nitong patalo.

“Oo na po. Ikaw na ang panalo.” Tawa lang ni Natalia.

Nang mapatingin siya sa labas ng beranda at makita ang ilang alitaptap na lumilipad roon ay nagmamadali siyang lumabas ng bahay. Iniwan niya ang iniinom na tsokolate upang panoorin ang kumikislap-kislap na mga alitaptap. Sinundan naman siya roon ni Trevor. Tumayo ito sa tabi niya at sabay nilang pinanood ang mga mumunting pailaw na likha ng kalikasan.

“Ang ganda naman. Ngayon lang ulit ako nakakita ng mga alitaptap e.” amazed na wika ni Natalia.

“Pero mas maganda ka pa rin.” compliment sa kaniya ni Trevor.

Nang lingunin niya ito ay nakatitig pala sa kaniya ang lalaki. Tuloy ay para siyang nakaramdaman ng pagkailang dito. Nang mapansin naman ni Trevor ang paglunok niya ay bahagya itong natawa. Tila gusto pa nito na lalo siyang mailang kaya inihilig nito ang mukha palapit sa kaniya.

“Hindi ka sanay na sinasabihan na maganda ka ano?” Trevor asked.

Napakurap-kurap si Natalia. Dahil mas inilapit pa nito ang mukha sa kaniya ay bahagya siyang napaatras.

“Ano bang ginagawa mo?” direktang tanong ni Natalia. Hinawakan niya ang dibdib ni Trevor upang itulak sana ito pero kinuha naman nito ang kamay niya.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang biglang may humila kay Trevor palayo sa kaniya. Itinulak rin nito si Trevor atsaka sinuntok dahilan para mapaupo ang binata.

Tarantang nilingon ni Natalia ang dumating. And there is Treyton standing straight wearing his deadly stare. Dinuro rin nito ang kapatid. “Keep away from her.”

Kakaiba ang galit ni Treyton nang oras na iyon. Parang kaya nitong pumatay ng tao. Ngayon lang nakita ni Natalia ang matinding galit na nakapaskil sa mukha nito. Animo’y isa itong leon na handang manakmal ng tao. Masyadong matigas ang bagang nito na halatang nagsasagupaan sa loob. Kung hindi nga lang niya ito kilala ay iisipin niyang nagseselos ito.

Natalia's RevengeWhere stories live. Discover now