KABANATA 33

2.1K 92 8
                                    

His Secret

×××

Nagising si Natalia dahil sa malalakas na kulog. Nakalimutan niya palang isara ang sliding door sa may beranda. Bahagya tuloy nakapapasok ang tubig ulan na kasamang nililipad ng malakas na hangin. Tumayo siya para isara iyon.

“May bagyo ba?” Tingin niya sa labas.

Ang lakas ng ugong ng hangin. Tila nagdadala iyon ng kakaibang ingay sa kaniyang tainga kaya bahagya siyang napapikit. Habang isinasara ang salaming sliding door ay napagawi ang tingin niya sa ibaba nang mapansin ang bulto ng taong nakatayo sa gilid ng bangin kung saan may grills na nakaharang. Nakatayo lang ito na parang ninanamnam ang ulan.

Sa pagkidlat nang malakas ay sandaling nagkaroon ng sapat na liwanaag upang maaninag ni Natalia kung sino ang taong naroon

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Sa pagkidlat nang malakas ay sandaling nagkaroon ng sapat na liwanaag upang maaninag ni Natalia kung sino ang taong naroon. Si Treyton iyon. Nakatayo lang ito habang naliligo sa malamig na tubig ulan. Sa muling pagtama ng nakasisilaw na kidlat sa kalangitan ay iyong pulang mansta ng dugo na umaagos naman sa kamay ng lalaki ang nahapyawan ng paningin ni Natalia; na agad nagpakaba sa kaniya.

Taranta siyang lumabas ng kwarto upang puntahan ang kinaroroonan ni Treyton. Pagdating sa ibaba ng bahay ay naabutan nga niyang nakabukas ang main door kaya dali-dali siyang lumabas. Hindi niya alintana ang malakas na hangin at malamig na tubig ulan na nagsimulang bumasa sa katawan niya. Basta ang nais niya lang ay mapuntahan ang lalaki na tila nag-iintay naman sa kaniya.

“Treyton...” may pag-aalalang tawag ni Natalia sa pangalan ng binata.

Nanatili lang itong nakatayo. Para itong walang naririnig na hindi man siya tinapunan ng tingin. Kung ano rin ang posisyon nito nang makita niya kanina sa itaas ay ganoon parin ang posisyon nito nang lapitan niya.

Punong-puno ng pag-aalala ang mukha ni Natalia nang hawakan niya ang duguang kamay ni Treyton. Tila nagyeyelo ang pulsuhan nito.

Kanina pa ba ito nasa labas at nagpapaulan?

Tiningnan niya ang kamay ng lalaki. Mayroon itong hawak na piraso ng bubog na siyang naglikha ng malaking hiwa sa palad nito. Walang pagdadalawang-isip na kinuha niya ang bubog at inihagis sa malayo. Tsaka niya pinagmasdan ang nalikha niyong sugat.

“May sugat ka. Ano ba ang nangyari? Halika pumasok na tayo sa loob.” Hila ni Natalia kay Treyton, pero animo’y nakapako na ang katawan nito sa kinatatayuan. Hindi man lang kasi ito natinag kahit bahagya.

Siya na sandali palang na nababasa ng ulan ay bahagya ng  nakakaramdam ng lamig, ano pa kaya ang lalaki. Ano ba kasing ginagawa nito? Bakit pakiramdam niya ay pinarurusahan nito ang sarili?

“Ano ba pumasok na tayo sa loob.” hysterical ng sigaw ni Natalia nang hindi siya pansinin ng binata.

Nagsimula na siyang mataranta. Tila hindi kasi napapansin ni Treyton ang presensiya niya. Animo’y wala itong naririnig. Ni hindi nga ito tumitingin sa kaniya. Nakatulala lang ito na parang may bagay na pinagmamasdan mula sa kung saan na hindi niya nakikita.

Natalia's RevengeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora