KABANATA 37

2K 77 4
                                    

Goodbye Verde Island

×××

Pagdating sa gilid ng pool ay uubo-ubong binitiwan ni Trevor si Natalia. Matapos siyang paupuin ni Trevor ay iniunat nito ang dalawang binti niya at walang pasabi na minasahe iyon. Mukhang napansin kaagad nito na hindi maayos ang lagay niyon.

Mabuti pa ito, napansin na hindi siya okay.

“Ayos ka na ba?” ani Trevor habang patuloy lang sa ginagawa.

Kinagat ni Natalia ang pang-ibabang labi nang maramdaman ang pag react ng binti niya sa ginagawa ni Trevor. She can feel that tingling sensation.

“I’m fine. I will be fine...” bulong ni Natalia.

Maya-maya ay napatingala si Natalia nang makita si Treyton na tumayo sa harapan niya. Napatingin ito sa mga binti niya na minamasahe parin ni Trevor kapagdaka’y itinulak nito ang kapatid para pumalit sa pwesto nito.

“Pinulikat ka ba?” may pag-aalalang tanong ni Treyton.

Tumango naman si Natalia. Nilingon niya ang dalagang kanina lang ay kasama niya sa pool. Nakaupo parin ito at nakatingin ito sa gawi niya na masama ang hilatsa ng mukha.

Ano pa ba ang gusto nito? Naipakita na nga niya na siya ang pinili ni Treyton pero bakit parang galit pa rin ito? Dahil ba naroon si Treyton ngayon sa harapan niya at tinatanong siya nang may pag-aalala? Wala ba itong tiwala sa sariling nobyo? O sadyang threatened parin ito sa kaniya?

Nagulat nalang si Natalia nang umangat ang katawan niya sa tiles na simento. Ibinialik niya ang tingin kay Treyton na binuhat siya at inilayo sa lugar na iyon. Dahil natakot mahulog ay kumapit siya sa suot nitong polo.

“A-ano bang ginagawa mo? Ibaba mo nga ako,” reklamo ni  Natalia.

Pero si Treyton, parang wala itong naririnig na nilampasan lang ang mga taong naroon. Kahit si Meanne na sinubukan itong pigilan ay hindi pinansin ng binata. Kahit nagsimula silang pagbulungan ng ilang kamag-anak ng lalaki ay tila wala roong pakialam ang binata na focus lang ang tingin sa nilalakaran.

Dinala siya ni Treyton sa kotse nito at inalis sa lugar na iyon. Pagdating sa tapat ng villa nito at naihinto na ang kotse ay tumingin ito sa direksyon niya. Ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala. Hindi sigurado si Natalia pero parang may namumuong luha sa sulok ng mga mata ng lalaki.

“Bakit hindi ka sumigaw? Bakit hindi mo tinawag ang pangalan ko huh?” tila may paghihimutok na sambit ni Treyton.

Tumingin lang sa labas ng bintana si Natalia.

Bakit ba nagagalit ang lalaki sa kaniya? Dapat nga siya ang magalit dito dahil hindi siya ang pinili nito. Pero ngayon parang siya pa ang may kasalanan na pinulikat siya.

“Inisip mo ba kung ano ang mararamdaman ko kung may nangyaring masama sa’yo huh?” garagal na sambit ni Treyton.

Ibinalik ni Natalia ang tingin dito. Tsaka niya nakita na may luha na nagsimulang tumulo sa mga mata nito.

Natakot ba ito?

Marahil naisip nito ang aksidenteng nangyari sa ina. Naisip nito na kamuntikan na iyong maulit sa kaniya.

“I’m sorry, pero okay na ako. Wala namang nangyari sa akin e,” wika ni Natalia.

Sandaling tumahimik si Treyton. Bumuga ito ng hangin at tumingin sa labas ng bintana kapagdaka’y ibinalik nito ang tingin sa kaniya. “Ayos ka na ba talaga? Masakit pa ba ang mga binti mo?”

“Okay na. Hindi na namamanhid.”

“Kaya mo ba bang pumasok mag-isa sa loob? May pupuntahan lang ako...”

“Oo naman. Ako pa ba.” Pagkarinig niyon ay agad binuksan ni Natalia ang pinto ng passenger seat at lumabas ng kotse.

Isasara niya rin sana kaagad iyon pero hinawakan ni Treyton ang pinto. “Just stay here ok. Mabilis lang ’to. Babalik kaagad ako.”

Hindi na kailangan ni Natalia na itanong kung sino ang pupuntahan nito. Kahit hindi kasi nito sabihin ay alam niyang si Meanne ang babalikan nito para alamin kung ayos na ba talaga ang dalaga. So predictable.

Kung bakit pa kasi siya nito inalis doon kung hindi naman talaga siya ang inaalala nito. Tuloy ay pinapagod lang nito ang sarili.

“Ok.” tipid na sagot ni Natalia.

Nang maisara na niya ang pinto ng kotse ay bahagya siyang tumabi at pinanood ang pag-alis ni Treyton. Nang hindi na niya matanaw ang kotse nito ay tsaka siya pumasok sa bahay.

Malungkot na nilibot ni Natalia ang tingin sa buong villa house. Mukhang kailangan na niyang magpaalam sa lugar na iyon. Tapos na ang pagpapantasya niya. Tapos na rin ang bakasyon niya kaya aalis na siya.

Kinapa ni Natalia ang cellphone na nasa bulsa. Mabuti nalang at hindi iyon nahulog sa pool. Waterproof naman iyon kaya alam niyang gagana iyon. Agad niyang dinayal ang numero ni Trevor. Dahil gusto na niyang umalis ay alam niyang kailangan niya ang tulong nito upang may masakyang bangka.

Nang makausap ang binata ay nagligpit na siya ng gamit. Mabuti nalang at hindi naka-lock ang kwarto ni Treyton at nakuha niya doon ang maletang kinuha nito. Pagkatapos maipasok sa maleta ang mga gamit ay nagbihis na rin siya. Nang masigurong wala na siyang naiwan ay lumabas na siya ng villa. Tamang-tama dahil naroon na pala si Trevor at naghihintay sa kaniya sa labas.

Tila nahihiya pa itong ngumiti. Bahagya pa nga itong nagkamot ng ulo. “Talaga bang aalis ka na?”

“Ano ba inaasahan mo pagkatapos mong dalhin dito ang totoong girlfriend ng kapatid mo?” Irap niya dito. Nilampasan na niya ito at isinakay sa kotse nito ang kaniyang maleta.

“I’m sorry. Hindi ko naman alam na magka⎯”

Itinaas ni Natalia ang kanang kamay para patigilin si Trevor sa pagsasalita. Ayaw na niyang marinig ang paliwanag nito dahil hindi na rin naman iyon mahalaga. Nangyari na ang dapat na mangyari.

“Halika na. Ihatid mo na ako para kahit paano naman ay makabawi ka sa akin. Tsk!”

Nang makasampa na siya sa kotse ay sumunod na rin sa kaniya si Trevor. Hinatid siya nito hanggang sa kabila kung saan ito pa mismo ang nagpasakay sa kaniya sa taxi papuntang airport. Bago umalis sa isla ay bumili na siya ng ticket online. Mabuti nalang at may isang oras pa bago ang flight niya kaya siguradong aabot siya; since hindi naman ganoon kalayo ang airport mula sa pinaghatiran sa kaniya ni Trevor.

Pagdating sa airport, habang naghihintay ng eroplano ay ilang beses na tumunog ang cellphone niya. Mahigit benteng miss called rin ang ginawa ni Treyton bago ito tumigil. Ayaw niya kasi itong sagutin. Wala naman na rin kasi siyang sasabihin sa lalaki.

Maya-maya ay sunod-sunod na text naman ang sinend sa kaniya ni Treyton.

Nasaan ka ba?
Please answer your phone.

Natalia answer your g*damn phone!

F*ck! Ano bang problema mo?
Bakit ayaw mo akong kausapin?

I said answer your phone.

Natalia.
Please, let’s talk.

Don’t leave me like this.

Iyong huling text ni Treyton ang tila may kurot sa kaniya.

Ano ba ang ibig nitong sabihin na don’t leave me? Bakit kailangan nitong sabihin ang bagay na iyon?

Ano pa ba ang kailangan nito sa kaniya e kasama na nito si Meanne.

Nang marinig ni Natalia na ina-announce na ang flight patungong Manila ay tumayo na siya. Pagod na siyang mag-isp at alam niya na wala rin namang magbabago sa relasyon nila ni Treyton kahit manatili pa siya roon.

Natalia's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon